56: Future Promise

111 25 19
                                    

THERE'S something weird about the guys this morning. Ay teka, hindi pala weird exactly. Hindi ko naman kasi sure kung paano ba yung normal na sila. Baka feeling ko lang weird pero normal pala nila yun diba? So let's just say na hindi ko naiintindihan ang trip nila.

Kaninang umaga bago kami umalis papunta sa unang sked, isa-isa nila akong binati ng good morning na parang nagpapa-attendance check. When I say the guys, as in lahat sila. Kasama si Dom, Xander, Kuya Caloy, at Kuya Billy. Si Gio lang ang medyo normal. Well, as normal as he could get. Normal na kasi sa kanya yung napaka-random ng mga sinasabi at ginagawa. So yeah, he's basically the only one who seem to be acting like his regular hyper self.

"Lhianne, lika dito," tawag sa akin ni Kuya Caloy.

Ongoing na ang interview ng Night Hellions kaya nasa isang tabi lang kami at nanonood. Ay ako lang pala. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Kuya Caloy kanina. Ganyan naman siya. Bigla-biglang nawawala para makipag-usap sa phone o kung kanino man.

"Yes, Kuya Caloy?"

He gestured for me to follow. Kaya sumunod lang ako sa kanya hanggang mapunta kami sa kabilang side ng studio. Hinintay kong magsalita si Kuya Caloy pero ilang minuto na kaming nakatayo dito ay tahimik pa rin siya.

"Ano yung sasabihin mo sa akin?"

"Ha?"

"Tinawag mo ako dito. Akala ko may sasabihin ka, Kuya Caloy?"

"Ah, wala," umiling siya saka ngumiti. "Mas maganda ang puwesto dito. Kitang-kita natin ang boys. Kesa doon sa tabi ng camera crew, nakaharang yung mga gamit. Saka baka mabunggo ka lang nila."

"Ah." Hindi ko na lang sinabi na kaya mas gusto ko doon ay dahil pakiramdam ko sa akin tumitingin ang Night Hellions pag nagsasalita sila. Siyempre andun banda ang camera so malamang doon sila titingin. Kailangan ko nga lang makitabi sa mga crew members.

Patapos na yung interview. Alam kong kakanta sila kasi ako mismo ang nagbigay ng music file nila sa staff kanina. Kaya gusto ko sanang bumalik doon sa puwesto ko kanina.

"Kuya Caloy, lipat lang ako doon ha?"

"Saan?"

Itinuro ko yung kinapupuwestuhan ko kanina.

"Wag na, Lhianne. Dito ka lang."

I wasn't expecting that. "Ahm... Okay." Hindi ko na lang ipinilit ang gusto ko. Hindi naman ako nagpunta dito para magfangirl. This is work. So nevermind.

Habang nagpeperform ang Night Hellions, inilabas ko ang cell phone ko. Hindi ko naman balak magtake ng video. Gusto ko lang kumuha ng picture. Kahit isa lang. Noong umuwi ako sa amin pagkatapos ng lock-in taping, isa sa mga pinagsisihan ko yung ni wala man lang akong souvenir picture sa lahat ng ginawa ko doon.

Nagulat nga din ako nung narealize ko yun. Nung una, it was just because I was afraid that I might get in trouble. Pinagsabihan kasi kami noong start ng lock-in taping na iwasan ang pagtetake ng pictures at videos. Hanggang sa nasanay na akong hindi nagtetake ng picture. Pero ngayon gusto ko nang baguhin yan. I should at least take some souvenir photos, right?

After taking a few photos, ibinalik ko na uli sa bulsa ang phone ko. Nagfocus na lang ako sa panonood sa kanilang performance. Hindi naman bago itong pineperform nila. I've watched it countless of times before. Halos memoryado ko na nga ang mga gagawin nila. But then, doon sa last part. Yung mag-iiba sila ng puwesto para sa pang ending na pose, biglang tumingin sa direksiyon namin si Gio. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba pero parang ngumiti siya sa akin. And then he gave me a wink.

Ahm... Nangyari ba talaga yun? I'm not really sure. Ang bilis lang kasi. Baka imagination ko lang talaga.

"Lhianne," biglang tawag sa akin ni Kuya Caloy.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon