4: Meet Gio

146 13 2
                                    

SOMEWHERE on another part of the Metro.

"Kuya Caloy! Kuya Caloy!"

"Problema mo?"

Humugot muna ako ng hininga. Medyo hiningal kasi ako sa pagtakbo pababa sa hagdan. "Totoo bang tumatanggap ng intern ang Starlight Media?"

"Intern?"

I eagerly nodded my head.

"Bakit mo tinatanong?" singit ni Dom.

Hindi ko siya pinansin. Nakatingin parin ako kay Kuya Caloy na busy sa pagkalikot sa hawak niyang tablet. "Just answer me."

"Lagi namang may intern doon," tila balewalang sagot ni Kuya Caloy.

Habang ako ay parang nanghihinang napasandal na lang sa tabi niya sa sofa. "Wala na. I'm finished."

"Bakit nga?" tanong nanaman ni Dom.

Nilingon ko siya. Abala ang kamay niya sa pagpipindot sa controller at tutok na tutok ang mata niya sa malaking TV screen. He's currently playing some video game. Pero sigurado ako na walang nakakaligtas na salita at pangyayari sa kanya. That's just how Dom is. It's annoying.

"Nakapasok na intern si FiFi sa Starlight Media."

"Your girlfriend?"

I let out an annoyed sound. "Hindi ko nga girlfri--"

"Guys," putol ni Kuya Caloy. "I already told you a million times. Wag na wag kayong nagjojoke ng tungkol sa girlfriend. And don't mention this girl again."

"Andito lang naman tayo sa base," reklamo ko. "Don't tell me iniisip mo na may magpaplant ng listening device dito? Takot lang nila sayo."

Biglang bumaling sa akin si Kuya Caloy. He looks so fierce. Kaya napadiretso ako ng upo.

"Ayoko lang na maging komportable kayong pinag-uusapan ang topic na ito. Paano kung nasa labas tayo? Or worse, nasa isang interview? Remember, kahit pa anong practice at pagsasaulo ng linya ang gawin ninyo, ang mannerisms, body language, at natural chemistry, hindi yan basta-basta nafo-force. Natural na lumalabas yan. Eh paano kapag nasanay kayong pinag-uusapan si FiFi tapos tinatawag pa siya nitong si Dom na girlfriend mo, what if your fans hear that? Ano sa tingin mo ang mangyayari, Gio?"

Yes, you guessed it right. Ako si Gio ng Night Hellions, ang pinakasikat na boyband sa bansa. And in the Internet world, I'm also known as @hellic0ppeRsX by one person. Yung Dom na binabanggit ko kanina? Well, siya ang leader namin. At si Kuya Caloy naman ang manager namin.

"Ano'ng meron? Rinig na rinig ko kayo hanggang sa studio."

Xander, the third and last member of our group, joined us. And yes, unfortunately siya din ang bias ni FiFi, to my utter and absolute displeasure.

"Mag-i-intern daw sa Starlight Media ang girlfriend ni Gio," sagot ni Dom.

"Dom, uulitin ko nanaman ba?" Nasa manager mode parin si Kuya Caloy.

"Si FiFi?"

Napakunot na tumingin ako kay Xander.

"Hey, don't look at me like that, man. Hindi ko kasalanan na ako ang bias ng girlfriend mo."

"Guys, guys, again don't mention this girl's name na parang close na close kayo sa kanya."

"Wag mo naman siyang tawaging 'this girl,' Kuya Caloy," reklamo ko.

"Pero totoo namang close tayo kay FiFi ah."

I gave Dom the middle finger. I'm sure nakita niya ang ginawa ko kahit na naglalaro pa rin siya.

"And it's been what? Five years?" Si Xander uli. Inilipat ko sa kanya ang masama kong tingin. "Ano na naman ang problema mo?" painosenteng ngumiti pa siya sa akin. "I'm just stating facts. Totoo namang five years na nating kilala si FiFi."

I let out an exasperated sigh. "First, ako lang ang may kakilala kay FiFi. Second, ako lang din ang close sa kanya. And third, don't call her 'this girl.' She has a name."

"Yeah, I'm sure she has a really nice name. Pero hindi mo din alam." My hands automatically moved para batuhin ng throw pillow si Dom.

"Aw!" Pabagsak na ibinaba ni Dom ang hawak na controller. Natalo na kasi siya sa nilalaro niya. "What was that for?"

Tumayo na si Kuya Caloy at humarap sa aming tatlo. Itinaas pa niya ang dalawang kamay,. "Okay, my bad, hindi ko na uli tatawaging 'this girl' si FiFi. Alam ko ang history niyo sa kanya. Oy Gio, tumigil ka, wag mong maipilit-pilit na iyo lang si FiFi. Gusto ko lang ipaalala sayo na ikaw ang laging bukambibig siya. Kahit na ayaw na naming makinig ay lagi mo siyang binabanggit. You even read her messages to us. Kaya wag kang magpaka-possessive diyan. Kasalanan mo din kung bakit kilala namin si FiFi at pakiramdam namin ay close na kami sa kanya."

I could only sigh and pout at that. Dahil totoo naman ang lahat ng sinabi ni Kuya Caloy. I just find FiFi's humor really funny. Kaya madalas na binabasa ko sa kanila ang mga nakakatawang message niya sa akin.

"Wala naman akong sinabing akin lang si FiFi ah. Saka bakit nakiki-namin ka na ngayon?"

"That's not the point, Gio. Tulad ng sabi ko kanina, mahirap kapag nasanay kayong nagbibiruan tungkol sa kanya at binabanggit ang pangalan niya kasama ang salitang girlfriend. It would sound too natural that you guys talk about her."

Hindi na ako nagsalita. Tumingin lang ako kay Dom. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumingin din si Xander kay Dom. What can I say? Nasanay na akong ginagawa iyon. Eto yung sinasabi ni Kuya Caloy kanina na natural raport or something. The three of us have long since built a solid foundation for that. Actually, iyon ang dahilan kaya nakatira kami sa iisang bubong. We call it the base. Idea ito ni Kuya Caloy noong nagsisimula pa lang kami bilang group. Para daw makadevelop kami ng natural chemistry sa isa't isa. So he made us live together. Syempre dati ay mas maliit lang ang condo unit namin. Ngayon ay lumevel-up na kami sa penthouse unit. And after five years, masasabi kong effective ang method na ito ni Kuya Caloy. Sometimes I even think that it's too effective. Tulad ngayon. Pareho kami ni Xander na nakatingin kay Dom at naghihintay ng cue. He's our leader after all. He always decides on what we say and do. And sometimes, he also speaks for us when we can't express ourselves anymore.

Don't get me wrong, I never have trouble speaking. Yun ang problema. Sometimes I talk too much. Hindi ko naman sinasadya. That's just my nature, I guess. Sa kaso naman ni Xander, he doesn't speak at all. No, seriously. Hindi siya halos nagsasalita. Madaldal lang siya kapag iyong mga ka-close niya ang kausap niya. Namely, myself and Dom. Hindi ko alam kung may iba pang ka-close si Xander maliban sa aming dalawa. I never see him talk on the phone for longer than 1 minute. Si Kuya Caloy at ang team assistant na yata namin ang pinakamatagal niyang kausap sa telepono. And even then, he just listens to them speak.

Kaya hindi na ako nagulat nang magsalita si Dom sa mas seryosong boses. "Kuya Caloy, naa-appreciate namin ang mga reminders mo. Alam mo namang sinasapuso talaga namin ang lahat ng yan. Kaya nga tayo nakarating dito ngayon. Pero matagal na din naman kami sa entertainment industry. Sanay na kami at alam na namin ang mga ginagawa namin. Hindi kami magkakamali. We got this, okay?"

Pareho kami ni Xander na tumatango-tango habang nagsasalita si Dom. Sa wakas ay mukhang kumalma na si Kuya Caloy. Umupo na uli siya at mas relaxed na ang ekspresyon niya.

"I know, I know. Speaking of matagal na, kailangan niyo na palang pag-isipan kung anong concept ang gusto niyong gawin para sa 6th anniversary celebration ninyo. Yung pandemic-friendly dapat."

And just like that, natapos na ang usapan tungkol kay FiFi. Nagkaroon na kasi kami ng impromptu meeting bigla.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon