77: Meet the Parents?

99 22 5
                                    

BAKIT ba tunog ng tunog ang cell phone ko? Ang aga-aga eh.

Teka, umaga na? Pinilit kong idilat ang isang mata. May liwanag nang nagmumula sa bintana. Oh no, umaga na nga.

Tinatamad na bumangon ako at hinanap ang cell phone ko. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin sa paligid ng maliit kong kuwarto. Nasaan na kaya si Gio? I remember us coming into my room last night.

Huy, burahin mo yang mga kalaswaang naiisip mo. We don't have that kind of relationship... yet. LOL! But seriously, hanggang kiss palang kami. Bata pa ako 'no. Ay si Gio pala. Five years old palang ang level ng utak nun eh. Natawa na lang ako sa sarili kong lame joke. Pero totoo yung sinabi ko ha? Kahit pa hindi namin napag-uusapan, sure naman ako na pareho kami ng stand ni Gio. Hindi na namin kailangang sabihin. Nagkakaintindihan na kami, that we're on the same page over this matter.

Ah, teka. Magche-check nga pala ako ng cell phone. Kanina pa kasi tunog ng tunog 'yon. But before I could open my messages, tumunog na uli ang cell phone ko. Si mama ang tumatawag.

"Hello, ma?"

"Hello, Lhianne, bakit ang tagal mong sumagot? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo."

Napakunot ako. Ang akala ko ay sa hapon pa sila dadating para sunduin ako. "Kakagising ko lang, ma."

"Tanghali ka nanamang gumising. Baka pagdating namin diyan hindi ka pa tapos mag-empake."

"Tapos na po, kahapon pa."

"Mabuti naman kung ganoon. Malapit na kami sa condo mo, Lhianne."

"Ha? Ngayon na? Alas nuebe pa lang ng umaga," nagpapanic nang sabi ko.

"Napaaga kami ng kaunti ng papa mo."

"Nasaan na kayo banda, ma?"

I heard my mom asking my dad. May binanggit na lugar si papa pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya.

"Ay naku, Lhianne. Hindi ko alam kung saan tong sinasabi ni papa mo. Basta nandiyan na daw kami in 10 minutes."

"Ano? Teka lang, ma. Ano, kasi hindi pa ako nakakaligo. Saka--"

"Wag ka na munang maligo. Hintayin mo na lang muna kaming dumating para mapagbuksan mo kami ng pinto. Naiwan ko yung duplicate ko ng susi sa bahay."

"Okay, sige po, ma."

The moment our call ended, tinawagan ko agad si Gio. But then I heard his ringtone coming from somewhere in my room. Nandoon pala ang cell phone niya sa bedside table ko. Oh, no. Ano'ng gagawin ko? Shit! Malapit na sila mama.

Okay, relax, Lhianne. Kaya mo 'to. Just handle one problem at a time.

I'm not really into pep talks but yeah, whatever. Baka lang makatulong. Inilibot ko na uli ang paningin sa paligid para hanapin kung may natitirang trace ng pag-stay ni Gio dito sa condo. Pero maliban sa take-out containers ng mga pagkain na good for two ay wala na akong napansin.

Nasaan na ba si Gio? I vaguely remembered him waking me up a while ago. He said something about breakfast and keys. Oh my God, no! Naalala ko na. Kaya pala niya ako ginigising ay dahil tinatanong niya kung nasaan ang susi ko ng condo para daw hindi na niya kailangan kumatok pagbalik niya. He said he was gonna buy me breakfast.

Natampal ko ang noo ko. Paano na to? Siguradong mag-aabot sila nila mama. Ah, bahala na. Bakit ba kasi iniwan niya ang cell phone niya dito?

This is probably for the best. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano sasabihin kila mama at papa na may boyfriend na ako. Actually, hindi na nga lang si Dom ang nagbigay sa akin ng advice last time. Pati si Xander at Kuya Caloy nagbigay na din ng input nila. Pati nga yata si Kuya Billy nagshare din eh. Pero wala talaga akong magustuhan sa mga sina-suggest nila. Una sa lahat, nakokornihan ako sa mga suggestions nila. Simpleng mga tao lang naman kasi sila papa at mama. Hindi naman sila tulad ng mga nasa showbis na madaming arte pa. Hindi ko na sila kailangan bigyan ng special gift o kaya surprise o kung anumang artistic way para kausapin.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon