63: The Passenger Seat

122 22 25
                                    

"ALAM mo ba ang papunta doon? Kung hindi iche-check ko na lang sa Waze."

I looked at Lhianne beside me. "Tell me, bakit nga doon pa tayo sa malayo pupunta? Puwede namang diyan na lang," then I mentioned a nearby grocery store.

"Kasi nga masyado tayong malapit sa Starlight Media office. Malay natin may maligaw na staff diyan. Baka makilala ka nila."

"Naka-face mask naman ako at cap. Walang makakakilala sa akin. Believe me, nasubukan ko na."

"But I want to be sure, okay?"

Ah, this girl. She doesn't have any idea that she's endearing herself more to me. Kahit pa i-deny niya ng paulit-ulit na ayaw niya akong maging boyfriend, it's hard to believe when she cares this much about me.

"Okay, you're the boss." Ini-start ko na ang kotse. "Do you want to listen to some music? Puwede mong i-connect ang phone mo sa music system."

"Okay lang?"

"Go ahead."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko pang ngumiti ng malapad si Lhianne bago pumailanlang sa loob ng kotse ang pagbirit ng Aegis. Napaungol ako.

"Really?"

"Bawal magreklamo. I'm in charge of music. Saka kanino bang playlist ito?"

Napailing na lang ako. Lhianne can be really mischievous sometimes. It's cute. Kaya hinayaan ko na lang siya. Sinabayan ko pa nga yung kanta. Specifically, doon sa lyrics na:

Pagkat ikaw ang tanging laman ng aking mundo,
Ng aking puso, ng aking buhay.
Ang halik mo namimiss ko.
Ang halik mo namimiss ko.

Sa huli, instead of singing the line "bakit iniwan mo ako?" I sang, "Sana sagutin mo na ako."

Bigla na lang napalitan ang kanta. Tinapunan ko ng tingin si Lhianne. "Bakit mo nilipat? Ang ganda na nga nun eh." Then I grinned at her.

Tuluyan na niyang itinigil ang pagpapatugtog. "I changed my mind."

Napapangiting umiling ako. She just gave me an opening there. "Kung ayaw mo nang magpatugtog, kakantahan na lang kita."

"Like a private concert?"

"Concert lang. Wag kang nagmemention ng mga salitang tulad ng private pag kasama mo ako, Lhianne."

"Why?"

"Nevermind, babe--aw! Bakit ka nanghahampas?"

"Anong babe?"

"Lhianne pala. Nadulas lang ako eh, ikaw naman." Then I grinned at her. "Oh, relax ka na lang diyan. Eto na ang first song ko." Tumikhim muna ako bago nagsimula.

Pag-ibig ko sa'yo, tunay at totoo
Singtamis ng wine, sintatag ng sunshine

"Gio!"

"What?"

"Bakit yan ang kinakanta mo?"

"Ikaw ang naunang nagpatugtog ng Aegis dito eh. Nainspire lang ako sa playlist."

"Ibang kanta na lang."

"Bakit? Nababaduyan ka sa kanta? If you must know, magandang vocal exercise ang Aegis songs. Hindi man abot ng range ko ang high notes nila, but I think I can pull it off. Why don't you listen to my version first. Yung pop-rock version."

"Sige na nga. Yung chorus lang."

Nananaginip nang gising, nakatulala sa hangin
Nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin
Nababaliw ako sa'yo, bawat silakbo ng puso ko
Sa isang sulok na lang, umiibig sa'yo, sinta

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon