49: Secret Assignment

109 23 4
                                    

TWO weeks na lang ay gaganapin na ang anniversary celebration ng Night Hellions. HIndi ko pa sinasabi kahit kanino pero nandito na uli ako sa Manila. Tinanggap ko na iyong offer sa akin ng Starlight Media na magfreelance muna sa kanila habang tinatapos ko ang huling sem ko sa school. Dalawang subject na lang naman itong kailangan kong tapusin. Actually dapat last sem pa ako natapos at grumaduate. Pero dahil sa dami ng nangyari, hindi ko na-enroll iyong dalawa pa. Basta, ang gulo kasi last sem dahil nga biglang nagka-pandemic. Ayoko nang balikan uli yon. Ang importante ngayon ay pinayagan ako nila papa at mama na bumalik. Pero nagpromise ako na susubukan ko lang gawin ito for a year. And then mag-uusap uli kami kung gusto ko pa bang ituloy ang work ko dito.

"Lhianne, kailangan pa ba kitang i-tour uli?"

Napangiti ako sa sinabi ni Ate Princess. "Hindi na kailangan, Ate Princess."

"I thought so. Halika na, gusto kang ma-meet ni Sir Teddie bago ka pumunta sa assignment mo."

Tumango lang ako saka sumunod kay Ate Princess. Actually, hindi ko pa alam kung ano exactly ang assignment na sinasabi niya. She was so secretive about it. May pinapirma pa nga sila sa akin kanina na confidentiality agreement.

Dinala ako ni Ate Princess sa executives floor. First time ko lang makatapak dito dahil off limits ang lugar na ito sa mga ordinaryong staff. Bigla kaming tumigil sa gitna ng hallway.

"Nandoon sa dulo ang opisina ni Sir Teddie. Hinihintay ka na niya, Lhianne."

Napatingin ako kay Ate Princess. "Ako lang?"

Nakangiting tumango siya. Then she gestured for me to go ahead.

"Bakit hindi ka kasama?"

"Hindi naman ako involved sa pag-uusapan niyo." Ngumiti uli siya. "Sige na, Lhianne. You can go ahead."

Nag-aalangang lumakad na ako. Kinabahan naman ako bigla. Narinig ko na ang pangalan ni Sir Teddie noong nasa lock-in taping kami. But I never really paid attention to what they were saying about him. Kaya medyo nagulat ako pagpasok ko sa opisina at makita ko siya. Hindi ko kasi ine-expect na ganito ang itsura niya.

Sir Teddie looks more like a Ma'am than a Sir. Although hindi siya nakadamit pangbabae, pero babaeng-babae ang aura niya. Sa kilay pa lang niya nahiya na agad ang kilay kong hindi ko man lang nasayaran ng eyebrow pen kanina dahil sa pagmamadali. Pero yung buhok talaga niya ang pinaka-highlight ng buong look niya. The bottom half of his head is shaved while the rest of his hair is swept to the side. Kaya kitang-kita ang designs doon sa shaved part ng buhok niya.

"You must be Lhianne."

"Ako nga po."

"'Wag na tayong mag-shake hands ha? Because you know, pandemic and all."

Napangiti ako sa pagsasalita niya na parang magkaibigan lang kami. "Okay lang po, Sir Teddie."

He gestured toward the visitor's chair. "Maupo ka."

Tahimik na sumunod ako. And then I discreetly observed his office. Unang pasada ko palang ay na-conclude ko agad na graphic artist din si Sir Teddie. Hindi ko ma-explain eh. Basta nafeel ko agad. Sabi nga nila it takes one to know one.

"Finally nagmeet na tayo ngayon. Actually, ibinilin ko sa team na dalhin ka dito sa akin pagkatapos mong pumirma ng kontrata. Gusto kasi talaga kitang ma-meet."

Oh, I didn't know that.

"Bago pa nagpadala ng offer sa'yo ang HR, chineck ko na ang resume mo na ipinasa mo noong nag-apply ka as intern. Nilagay mo pala doon ang link sa online portfolio mo. So I checked it out and I liked your style."

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon