60: Feeling Special

123 21 29
                                    

SIX games later, humihikab na kami pareho ni Gio. Kanina pagkatapos ng unang game, hinintay ko siyang magsabi na aalis na siya. Pero hindi naman siya nagsalita. He just invited me for another game. So hindi na din ako nagsalita. In-accept ko na lang ang invitation niya. Ganoon lang ang naging routine namin sa tuwing matatapos ang game. But now it's finally time to face the truth. It's almost midnight already. Pareho pa kaming natawa dahil sabay kaming humikab.

"Gio, magtu-twelve na." Itinuro ko ang wall clock.

"Oo nga," sabi lang niya.

"Kailangan mo nang umuwi."

Tumango siya bago tumayo mula sa sofa. Tumayo din ako. At dahil wala naman akong ibang maisip sabihin o gawin, lumapit na lang ako sa fridge at binuksan iyon.

"You want another drink or something before you go?"

Umiling lang si Gio. Then he looked around the condo. Hanggang sa makita niya ang cap niya. Sinuot niya iyon. Ang sumunod na kinuha niya ay ang jacket na hinubad niya kanina. I watched him check the pockets for his keys. And finally, iyong face mask. Hindi niya iyon sinuot agad. Hinawakan lang niya. As for me, I just stood there beside the fridge.

"Lhianne."

"Oh."

Nakangiting lumapit siya sa akin. "Okay ka na?"

Tumango ako. Pero ang totoo ay hindi ako sure kung okay na nga ba ako. And I can see it in his eyes. Kailangan ko lang magsabi, and he wouldn't leave. To be honest, medyo natetempt na akong pigilan siya. Nevermind that it wouldn't be proper. Hindi ko kasi talaga alam kung kaya ko na bang maiwan ng mag-isa sa condo ngayong gabi.

There have been times in the past that this happened. Yung akala ko okay na, nalimutan ko na yung takot, but I would wake up in the middle of my sleep and everything, all the fears, would come back all over again.

"Alright, I'm going now, Lhianne."

"Ingat ka."

"Lika, hatid mo ko sa pinto," nakangiting sabi niya sabay hila sa kamay ko.

Pagdating namin sa tapat ng pinto, isinuot na niya ang face mask. Then he turned to me.

"Kapag natakot ka, tawagan mo lang ako ha? I don't care about the time, basta tawagan mo ako."

Alam ko na namang sweet si Gio. Inaamin ko na feeling special talaga ako kapag sini-single out niya ako at binibigyan ng special treatment at attention. I've always thought it was because we're friends. But recently, naniniwala na akong may iba pa siyang intention.

Hindi naman ako manhid, nararamdaman ko din iyon. Isa pa, I don't think he's even trying to be discreet about it. Pero sadyang in denial pa ako noon. Before tonight, I'm even denying to myself that I'm in denial. Pero hindi na puwede ngayon. The truth is already staring straight to my face. Isa pa, hindi na normal sweetness itong pinapakita niya. This is not something you do just for a friend. Kahit pa gaano kayo ka-close na magkaibigan. It just doesn't work that way. Kaya nakaka-guilty. I don't want to take advantage of him in any way. Kahit pa alam ko na willing na willing naman siya. Still, I don't want him to get in trouble because of me. Kaya kahit pa ayoko sana ay tinulak ko na siya palabas.

"Sige na. I-message mo na lang ako pag nakabalik ka na sa base."

He sighed loudly. Pero hindi na siya nagreklamo. He stepped out of the door. Nakakaisang hakbang palang yata siya ay gusto ko na agad siyang pigilan. So I kept my hands behind me. Baka kasi bigla ko siyang hawakan at hilahin pabalik.

"Isara mo muna ang pinto, Lhianne. Aalis na ako kapag narinig ko na ang paglock mo ng pinto."

Why did he have to say things like that?

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon