6: Gio, the Possessive

136 13 0
                                    

LATER that night.

"Seryoso, Gio, wala dito si Kuya Caloy ngayon. Sa'ting tatlo lang. Aminin mo na ang totoo. Hindi mo ba talaga alam ang tunay na pangalan ni FiFi?"

Binigyan ko ng bored na tingin si Dom. "Alam niyong seryoso ang lahat ng mga salitang binibitiwan ko kapag nasa loob ako ng meeting room ng Starlight Media. Sacred place para sa akin ang lugar na yon."

I've learned my lesson a long time ago. Alam yan nina Dom at Xander. That I should never, as in never joke around when I'm inside a meeting room at Starlight Media. Lalong-lalo na kapag may executives na naroon din sa kuwarto. I'm not really in the mood to reminisce. Pero hindi ko mapigilang balikan ang nangyari noong bago pa sumikat ang grupo namin. We were in a meeting with the company executives. I remember being so pissed because of all the criticisms we got about our latest song and music video. So I jokingly bet that we can make our next content viral.

Actually, 5 years ago parang bago pa lang yung konsepto ng pagva-viral sa Internet. Kumbaga organic pa yung pagvaviral ng mga bagay sa Internet at hindi planado. Walang specific pattern, topic, o requirement para magviral ang isang post. Random lang talaga kung ano ang papatok sa social media. Kaya hindi na nakakagulat na hindi sila naniwala sa sinabi ko. Hey, I didn't believe it myself either. Pero sineryoso parin nila ang sinabi ko. We got an ultimatum and received a ton of shit for being arrogant.

Come to think of it, it was that night that I met FiFi. Kabadong-kabado ako noon pagkauwi. Seryoso. Takot na takot ako na naipahamak ko ang grupo namin. I was only 19 then. I was young, stupid, and didn't know any better. Paulit-ulit kong binalikan sa isip ang mga napag-usapan sa meeting. Two years kaming pinagtraining at workshop ng company. Tapos malapit nang mag-1 year mula nang magdebut kami as a group. So all in all, mahigit tatlong taon na nila kaming ginagastusan pero wala parin kaming naipapasok na profit. The company executives are getting concerned about our marketability and future. As the designated carefree member of the group, ayokong ipakita na concerned ako. Na kinakabahan ako at natatakot din ako para sa future namin. So after we got back to our base, iniwasan ko sina Dom at Xander. I just went to my room and then went online.

For the first hour of Googling and browsing, puro negative lang ang nakikita ko. Kahit iyon mismong account ng fan group namin ay parang walang buhay. I just felt so down and disappointed, until I saw FiFi's comment in one of the forums I visited. Nagcreate ako ng dummy account at nagreply sa kanyang post. We went on like that for a week. Hanggang sa hindi ko namalayan na isang buwan na kaming nagpapalitan ng replies. By then, we already moved to Twitter. Naaalala ko na tinanong ko ang age niya kasi parang napaka-insightful ng mga tini-tweet at nirereply niya sa akin noon.

"Wait, alam ko kung ilang taon na siya." They both just looked at me. "She's 21 now."

"That's helpful, pare," sarcastic na sabi ni Xander.

Napapailing na sumandal si Dom sa sofa. "I'm sure magkakapareho lang ng edad ang mga interns na yan since same year lang sila lahat sa college."

Yeah, Dom's probably right. Ano pa ba ang alam ko tungkol kay FiFi maliban sa mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon?

Well, I know that she loves our band. I also know that she likes using emojis and gifs. That was actually what made me reply to her. Siguro masyado na lang akong nasanay na makabasa ng comments noon mula sa mga netizens na hindi naman talaga kilala ang grupo namin at isang beses lang pinakinggan ang kanta namin pero ang dami na agad nilang feedback na hindi maganda. Kaya nakuha ang atensiyon ko ng post ni FiFi na mala-reaction paper sa school ang haba. No, actually malapit na sa baby thesis ang level non dahil sa haba. Kahit pa madami din naman kaming ibang fans na nagtatanggol sa amin at nagpopost ng mahahaba at magagandang comments at feedback. Ibang-iba yung post ni FiFi dahil maliban sa mahabang text ay puno din iyon ng mga emojis, gifs, at images. It was just so animated.

It only took a few replies from her to know na ganoon talaga ang manner niya ng pakikipag-usap. Parang hindi enough sa kanya na i-express lang sa words ang gusto niyang sabihin. She had to use emojis, gifs, and pictures as well. Kaya lagi akong napapasaya ng mga posts at reply niya. Para kasing nasa harap ko lang ang kausap ko. It feels vivid and vibrant. Nakaka-good vibes ba. And I'd like to think na napo-project ko din kina Dom at Xander ang positive energy na galing sa mga posts ni FiFi. Doon nagsimula ang pagiging mood-setter ko sa grupo. Suddenly, hindi na ako yung makulit at magulo lang na member.

Other people don't really understand how important mood setting is, lalo na sa mga artists na tulad namin. Yes, we're artists. And for a while, we forgot that. Oo nga at isa kaming boy group na binuo ng isang kompanya for commercial purposes. Nahawaan kami ng mindset ng mga company executives na ang iniisip lang ay ang commercial value ng grupo namin. But we really are artists first and foremost. And FiFi helped us remember that.

Hindi ko sinasabing nagkaroon ako ng major realization sa buhay dahil sa mga sinabi noon ni FiFi. No, it wasn't really like that. Ang totoo ay hindi ako nag-a-agree sa ilan sa mga sinabi niya noon. And I still don't agree with them until now. From time to time ay pinagtatalunan pa rin namin ang ilan sa mga iyon. So that's not really what happened here. Her words did not change me or something. There's really no other explanation, maliban sa siya ang mood setter ko. You know, kung ano ako kila Dom at Xander, ganoon naman si FiFi para sa akin. She has this uncanny ability to make me feel good, kahit pa puro emojis at gifs lang ang laman ng message niya minsan.

"Oh natahimik ka na diyan."

Tumingin ako kay Dom. "Nag-iisip lang ako."

"Tungkol kay FiFi?"

Umiling ako. Pero base sa ekspresyon nila ay hindi sila naniniwala sa akin. "Strategy ang iniisip ko. Kung paano ko tatanungin ang pangalan niya."

"Tungkol nga kay FiFi."

Ah, bakit ba sinubukan ko pang i-deny? "Wag niyo na nga akong kausapin kung wala naman kayong maisa-suggest."

"Bakit ba kailangan mo pa ng strategy? Why don't you just ask her directly?" tanong ni Dom habang si Xander ay tumatango lang.

"Because we're way past that stage already."

"Teka, may stages na kailangan sundin sa ganyang klase ng relasyon, kung anumang klase ng relasyon meron kayong dalawa?"

"We're friends, Dom. Yun ang relasyon namin."

"May friends bang hindi alam ang pangalan ng isa't isa?"

Damn! He got me there.

"Honestly, all these time akala namin pinagdadamot mo lang ang pangalan ni FiFi kaya hindi mo sinasabi. Kaya sinasakyan ka lang namin pag sinasabi mong hindi mo alam."

Napatingin ako kay Xander. "What?" Minsan na nga lang magsalita tong si Xander, ganyan pa ang mga sinasabi.

"Yeah, man. Minsan masyado kang protective kay FiFi."

Kay Dom naman ako napatingin. "Anong protective?"

"Ayaw mong i-add din namin siya sa Incord. Ilang beses na ba kaming nagpaalam sa'yo na gusto din naming ma-experience ang pagiging online friend ni FiFi?"

"Wala naman kasing dahilan para i-add niyo siya."

"You can just introduce us as your friends," giit parin ni Dom.

"Seriously, Dom. Parang gusto kong i-channel si Kuya Caloy dahil sa sinabi mong yan. There's just so many things wrong in that whole scenario. Saka hindi naman kayo naglalaro ng Mobile Leagues. It would be too suspicious to add her randomly sa isang messaging app na gamit ng mga mobile gamers pero pareho kayong hindi naglalaro ng mobile games."

"Hindi, gusto mo lang talaga siyang solohin."

"I agree." Tinaas pa ni Xander ang isang palad.

Tumayo na ako. "Bahala na nga kayo diyan. Wala akong mapapala sa inyo."

Bago ko maisara ang pinto ng kuwarto ko, narinig ko pa silang dalawa.

"Protective talaga, no, Xander?"

"I agree."

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon