65: Gio, the Sweet Talker

96 22 10
                                    

"DAPAT nagdadala ka na din ng emergency bag mo, Lhianne."

"Hmm," lang ang naisagot ko kay Gio. I'm too sleepy to move even just a single muscle. Kasalanan naman niya kung bakit tinatamad na akong sumagot at gumalaw. I feel too comfortable in his embrace. Pagkasakay namin sa van kanina, as usual, hinila na agad niya ako sa tabi niya. Then without a word, he draped an arm around my shoulder. Pero kanina yun, ngayon ang role na niya ay maging giant pillow ko.

"Babe, are you listening?"

"Hmm," lang uli ang sinagot ko kay Gio. Wala na talaga akong energy kahit magsalita lang.

Pauwi palang kami galing sa TDR. Hindi ko naman akalain na pag TDR pala eh lahat talaga gagawin nila. Parang considered na siyang event proper. Pero dahil nga rehearsal pa rin siya, maraming gaps in between. Lalo na pag may mga kailangan i-adjust o ayusin sa technical side. So it's almost midnight now. Lahat kami pagod na. I'm sure na mas pagod pa sina Gio, Dom, at Xander. But surprisingly, nagagawa pa nilang mag-usap at mag-asaran. Habang ako, lobat na talaga. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Basta alam ko lang paminsan-minsan ay nagsasalita si Gio. I could feel the vibrations from his chest whenever he talks. Tapos paminsan-minsan ay hinahaplos niya ang ulo ko. Lalo tuloy akong inaantok.

"Sa base ka na lang matulog, babe."

Pinilit kong idilat ang mata ko. "May klase ako bukas, Gio."

"Sa base ka na lang magklase. You can use my laptop."

"I don't have clothes."

"Pahihiramin kita."

"I don't have clean underwear."

"Ahm... just don't wear one?"

Pinaghahampas ko agad si Gio. Tumatawang hinawakan niya ang kamay ko para tumigil na ako. Mabuti na lang nagbubulungan lang kami ngayon.

"I'm just kidding, babe."

Bumalik na lang uli ako sa pagkakasandal ko sa kanya. Alam ko namang normal lang kay Gio ang magjoke ng ganyan na walang filter. Kahit dati pa nung magkachat pa lang kami as Copper and FiFi, di ba nga sabi ko noon pakiramdam ko minsan he treats me like a brother? Pero teka nga, I'm his girlfriend now. Hindi ba dapat medyo iba na? I mean, you know, he should be treating me more like a girl now. You know what I mean.

"Lhianne, samahan na lang kitang pumunta sa condo mo. Kuha ka na ng mga gamit mo, then balik tayo sa base. What do you think?"

Tumingin ako sa kanya kahit pa madilim sa loob ng sasakyan. "Hindi ka pa ba pagod?"

"I'm not too tired to accompany you. Sabi ko naman sa'yo sanay na ako sa ganitong sked," he said near my ear.

"'Wag na lang, Gio. You should rest early."

I felt him kiss me near my ear. "Believe me, mas makakapagpahinga ako agad kapag nasa base ka. I would just fret over you on the phone kung uuwi ka mag-isa sa condo mo."

I changed my mind. Wala na akong gustong baguhin sa paraan ng pagtrato niya sa akin. I kinda like that he doesn't treat me differently from before. Pero may mga moments na tulad ngayon, private moments, na sobrang clingy niya. It's like he really won't last a few minutes without seeing me, hearing me, or talking to me.

"May klase nga ako bukas, di ba?" ulit ko. Wala lang. I just wanna rile him up some more.

"Sa base ka na lang magklase, please? Doon ka na lang sa kuwarto ko kung gusto mo ng mas tahimik o kaya sa studio."

"Hindi ako puwede sa studio niyo. It would look too familiar. Di ba nagla-livestream kayo doon? Don't underestimate your fans. Magaling silang mag-imbestiga online."

"Alright, sa kuwarto ko na lang."

"Isipin ko muna."

"Babe, malapit na tayo sa base oh. You have to decide na."

"Wag kang magulo nag-iisip pa ako."

"Babe, naman eh."

"Tumigil ka muna sa pagtawag sa akin ng babe."

"Lhianne."

"Teka lang."

He sighed loudly. Napangiti ako. He's making it so easy for me.

"Ano na?" tanong agad niya pagkalipas lang ng ilang segundo.

"So impatient."

"Maghapon kaming magsasign ng giveaways at magshu-shoot ng greetings bukas. Maawa ka na sa'kin. You know me, mababaliw ako sa ganyang gawain maghapon. It would make everything bearable if you're with me."

Napabuntong-hininga na lang ako. Gio can be really sweet without even trying. Tulad niyan. I know that he's just stating a fact. But it still sounded so sweet. Hindi na tuloy ako makatanggi pa. "Sige na nga."

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon