27: Breakfast Meal

134 18 4
                                    

"KNOCK! Knock!"

Nilingon ko ang pinto at agad na napangiti ako. "Good morning, Gio."

"Nagbreakfast ka na?"

Umiling ako saka tumingin sa dala niyang paper bag. Kahapon pa ako spoiled na spoiled ni Gio sa pagkain. I'm not saying na matakaw ako. Pero hindi ako tumatanggi sa libre. So don't judge me, okay?

"Sinadya ko talagang hindi kumain pagkagising kasi umaasa ako sa promise mo kagabing breakfast."

He did promise me breakfast. Bago magsimula ang livestream ni Xander ay pinuntahan niya kami para i-wish ng good luck. Then he told me that he would get me breakfast this morning. Hiyang-hiya nga ako kagabi na nilista pa talaga niya sa notepad ng phone niya ang mga pagkaing gusto kong kainin. I mean, we're talking about Gio of Night Hellions!

Nahihiyang kinuha ko sa kanya ang paper bag. "Thank you dito. Ikaw? Nagbreakfast ka na ba?"

Ipinakita lang niya sa akin ang dala niyang coffee tumbler.

"May schedule ka ba this morning?" tanong ko kahit pa alam ko na naman ang sked niya. As I said before, first agenda ko palagi sa umaga ang magcheck sa bulletin ng schedule.

"I'm free until 9 in the morning."

"Tara sa dining hall? Parang mahirap kainin tong dala mong food dito. Saka ayokong magkalat dito sa livestream room."

Well, hindi naman talaga ito livestream room. Pero pagkatapos ng naging trending livestream ni Gio ay parang biglang naging sacred na ang lugar na ito at naging unofficial na livestream room.

"Okay," sabi lang niya. Pagkatapos ay nagpatiuna na siyang lumabas. Pero nang nasa tapat na kami ng pinto, bigla siyang tumigil at lumingon sa akin. "Ako na lang ang magdadala niyan."

He didn't wait for me to agree or not. Basta kinuha na lang uli niya ang paper bag na binigay niya kanina. Pero bago siya nagpatuloy sa paglalakad ay may kinuha muna siya sa loob. Isa iyong to-go cup. Then I watched him carefully remove the seal before handing it to me. Napatingin lang ako sa cup. Suddenly, I felt kind of awkward that he's sort of serving me my drink.

"Hot chocolate ito. Sabi mo gusto mo ng hot chocolate," paliwanag niya. "You can drink it while we're walking."

Tinanggap ko na ang cup. "T-thank you." I immediately bit my lip. Bakit ngayon pa ako nauutal? What's gotten into me? Akala ko pa naman naka-getover na ako sa pagiging starstruck kapag kausap si Gio?

To be honest, sa kanilang tatlo, I feel the most comfortable with him. Kahit pa si Xander ang bias ko, I don't think I will survive it if I have to be in the same room as him for longer than 5 minutes. Hindi naman ako madaldal. I just don't like prolonged silences. Pagdating naman kay Dom, I feel very intimidated. Kapag nakasama ko siya sa iisang lugar ng matagal, baka bigla na lang akong himatayin sa kawalan ng oxygen sa katawan. But it's not because he takes my breathe away or something. More like, baka hindi na ako huminga pag kasama ko siya dahil sa takot na may mapuna siyang mali ultimo sa paghinga ko.

"Ang tahimik mo yata ngayon. Nag-iisip ka pa ba ng concept para kay Dom?"

"Not really."

He looked at me sideways.

"Madali lang naman mag-isip ng concept para kay Dom."

"Really? Ano ang naiisip mong ipagawa sa kanya? Please tell me it's something torturous."

Natawa ako. Eto yung ibig kong sabihin na comfortable ako kay Gio. He just makes it so easy. Wag na lang nating balikan yung first and second meeting namin. Nalaman ko din later on na kaya pala siya natutulog doon ay dahil kakabalik lang nila mula sa isang 24-hour shoot. As in literal na 24 hours na tuloy-tuloy silang nagtrabaho. That's why he was in a really bad mood that day.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon