5: Meeting Room Fiasco

133 13 0
                                    

WEDNESDAY, 1:53 pm. Sa isang meeting room sa building ng Starlight Media.

"Ano ang tunay na pangalan ni FiFi?"

Hindi ko kailangan lingunin sina Dom at Xander para malamang sabay-sabay kaming tumingin kay Kuya Caloy. I felt the energy of our movement. Sigurado ako synchronized pa ang paglingon namin. Naramdaman ko kasi talaga eh. Tulad nang nararamdaman ko ngayon na pare-pareho kaming maraming gustong itanong. But we didn't dare speak out. Nandito kami mismo sa headquarters ng Starlight Media. Tapos bigla-biglang magtatanong ng ganyan si Kuya Caloy just a few minutes bago ang meeting namin sa big boss ng kompanya. No, we really wouldn't dare speak.

"Hiningi ko sa HR ang listahan ng pangalan ng mga interns na bago. Nagkunwari akong balak kong kumuha ng intern."

Wala pa ring nagsasalita kahit isa sa aming tatlo.

"Isang page na puno ng pangalan ang binigay nila sa akin."

Lumingon ako sa pinto just to make sure na walang papasok doon. "Gusto mong kuning intern si FiFi?"

"Of course not! Gusto kong malaman kung saan siya maa-assign para maiwasan natin siya."

I think sabay-sabay uli kaming tumango-tango.

"Pero lagpas bente ang interns ngayon. Saka wala akong nakitang pangalan na malapit sa FiFi."

"Ako lang ang nagbigay sa kanya ng nickname na FiFi." Now all their gazes turned to me. Pare-pareho silang binibigyan ako ng nagdududang tingin. "Totoo nga. Seryoso ako sa tuwing sinasabi kong hindi ko alam ang tunay niyang pangalan."

Still, they are looking at me with varying levels of doubt and disbelief.

"Hindi din niya alam ang tunay na pangalan ko. She just knows me as Copper, galing sa username ko."

"Seriously? Even after 5 years?" si Dom ang nagtanong niyon. So I looked at him and nodded.

Wala na naman kasi akong iba pang masasabi. Kaya nga siguro nagtagal ng 5 years itong, whatever you call this sort of friendship that we have, yun ay dahil hindi kami nag-uusisa ng mga personal na bagay tungkol sa isa't isa.

"She never asked you your name?" tanong ni Kuya Caloy.

Umiling ako.

"For a girl, that's quite admirable," komento ni Xander. Gusto ko sanang ma-offend para kay FiFi pero nagtanong uli si Kuya Caloy.

"Eh ikaw? You never asked her name?"

Umiling uli ako.

"Now that's even more admirable."

Lumipad ang tingin ko kay Xander. "What the hell does that mean?"

"Na nagawa mong pigilan ang pagdaldal sa loob ng 5 years. That's very admirable, especially for you."

Sasagot pa sana ako pero nagsalita nanaman si Kuya Caloy. "One of these days, alamin mo kung ano ang tunay niyang pangalan."

Hindi pa man siya tapos magsalita ay umiiling na ako. "No."

"Gio, this is important." Gamit na ni Kuya Caloy ang manager tone niya.

Tumingin ako kay Dom para magpasaklolo.

"Kuya Caloy, sinabi ba ng HR na lahat ng interns na yan ay papasok mismo dito sa office? They are students after all and we're still in the middle of a pandemic."

Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip yun? I gave Dom a thumbs up.

"Hindi naman daw lahat ay papasok talaga dito. Baka isa o dalawa lang sa kanila kung sakali."

"Maliit lang naman pala ang probability na mangyari ang iniisip mo, Kuya Caloy. Wag mo munang stress-in si Gio, especially before a meeting with executives. Baka kung ano nanaman ang masabi niyan."

Sawakas ay nakahinga ako ng maluwag. And I gave Dom another thumbs up. I also mouthed, "Libre ko dinner mamaya."

"That small probability is still a probability. Remember, yung probability din na magvaviral ang video ninyo 5 years ago ay napakaliit. But it still happened."

That shut us up. May point nga si Kuya Caloy doon.

Tahimik parin kami hanggang sa bumukas na ang pinto at pumasok ang big boss ng Starlight Media. Nakasunod sa kanya ang dalawa pang executives ng kompanya. And the three of us automatically fell into our own roles in the group. Hindi naman iyon mahirap gawin. Dom is naturally the bossy one. As I said before, natural na kay Xander ang hindi pagsasalita. As for me, I'm the carefree member of the group. At least that's the role I play. Hindi naman talaga ako carefree at hindi din ako kasingkulit at gulo tulad ng alam ng iba. Dahil bago pa ako naging member ng Night Hellions, this is already the role that I had been playing. Hindi ko na matandaan kung gaano katagal na at kung kailan nagsimula. So let's just say this is the image I've been portraying all my life.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon