31: We're Friends

131 24 12
                                    

SA WAKAS rest day na. Hindi ko namalayan na natapos yung rest day last week dahil stress ako sa livestream ng Night Hellions. Kaya pakiramdam ko ngayon lang uli ako makakapagpahinga after more than two weeks.

Anyway, dahil nga rest day namin today, halos tulog pa ang lahat. May dalawa o tatlo lang yata akong nakasalubong kanina nung nagpunta ako sa dining hall. Kaya hindi ko ine-expect na may biglang pupunta din dito sa livestream room.

"Ano'ng kailangan niyo sa akin?" the person said. Pero walang sumagot sa kanya.

Nandito nga pala ako sa terrace. Magsasalita na sana ako para ipaalam na nandito ako pero naunahan niya ako.

"Busy po ako ngayon. Nasa lock-in taping kami."

Again, no one answered. Pasimpleng sumilip ako sa loob. The guy has his back on me. Nakasuot din sa ulo niya ang hood ng jacket niya kaya hindi ko makita ang mukha niya. But his build and physique look somewhat familiar to me. Well, malamang pamiyar iyon kasi katrabaho ko siya dito, di ba?

"Lock-in taping nga po ito. Hindi ako puwedeng basta-bastang umalis kung kailan ko gusto. Is that so hard to understand?"

Oh no, kilala ko ang boses na iyan. As a matter of fact, kilalang-kilala ko iyon. I practically listen to their songs every day. Kaya hindi ko maipagkakamali ang may pagka-husky at mababang boses ni Gio.

"You know what? I have my own life now." Pause. "I already told you. Hindi nga puwede ang sinasabi mo!" Tumataas na ang boses niya.

Naku po. Hindi magandang situation ito. Kailangan ko na talagang ipaalam sa kanya na nandito ako. So I stepped inside the room. Pero nakatalikod pa rin siya sa akin. I don't know how to get his attention.

"Sino ba ang nagsabi sa akin noon na wala na siyang pakialam kung anuman ang gawin ko sa buhay? That your hands are already full with your new family and don't have time to care about me at all? Ikaw yon, di ba? So don't talk to me about--Hindi, ma, ikaw ang makinig sa akin." Pause. "No, listen. Hindi ako magbe-break ng protocol dahil lang sinabi mo. At hindi ako pupunta diyan para maipang-display ng mga stepson mo sa mayayamang kaibigan nila. I don't care if it's his birthday. Did you even care about celebrating your own son's birthday?"

I think it's already too late at this point. Namiss ko na yung tamang timing kanina. What's worse is that Gio suddenly turned. Our eyes met and held. Dahil sobrang tahimik ng paligid ay naririnig ko pa yung faint sound ng babaeng nagsasalita mula sa cell phone niya.

I think we just stood there staring at each other for like a full minute bago gumalaw ang isa sa amin. He pressed a key on his cell phone and put it in his pocket. Pagkatapos ay isinuklay niya ang mga daliri sa buhok. As for me, wala. Nakatayo lang ako doon.

I saw him take a couple of deep breaths before talking. "Nandiyan ka pala, Lhianne."

Tumango lang ako.

"Kanina ka pa diyan?"

Tumango uli ako. Pagkatapos ay natahimik na kami. Ako ay yumuko na lang at tumingin sa kamay ko. Si Gio ay... ewan, hindi ko na alam ang ginagawa niya. Hindi ko kasi magawang tumingin sa kanya.

"I'm sorry," bigla kong nasabi.

I heard him take another deep breath. "Hindi mo kailangan magsorry. Hindi mo naman kasalanan. You were here first."

Natahimik na uli kami. Mayamaya ay naglakad palapit sa akin si Gio. Napipilitang tumingin ako sa mukha niya. Pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Pero mahalaga pa ba yun? Sure ako na nagwoworry na siya ngayon. I know because that's how I would feel if our situations were reversed. Baka nga kung anu-anong masamang senaryo na ang naiisip ko kung ako yun. Pero blangko parin ang ekspresyon ni Gio.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon