Chapter 41

9 3 2
                                    

Crystal Dwight's POV

I woke up when I felt a ray of light comes through the window. I gradually opened my eyes and realized  that I was the only one left at the bus. Bahagya akong gumalaw at napansin ang isang white coat na nakapatong sa akin. Napangiti ako ng makita ito. He is thoughtful as always. He never change since the first day I met him. 

I fixed myself before going down. Nang makababa na ako ay natanaw ko sila na kausap ang mga tao. In a distance, I saw them with a smile as they received something from the people. 

"Ito lang ang mga almusal na kayang maihanda namin," ani ng kapitan. 

Tumayo si Ryle mula sa pagkakaupo at magalang na sumagot. "Sobra na po ito. Masarap pong almusal ang sinangag na kanin na may itlog." 

Palapit nang palapit na ako sa kanila kaya naramdaman ni kapitan ang presensiya ko.

"Oh, Miss Dwight?" tila gulat na bungad niya sa akin. "Nandito pala kayo." 

"Opo, kapitan," tugon ko saka bahagyang yumukod bilang respeto sa kaniya. "Nagpa-iwan po ako kahapon."

"Bakit hindi mo sinabi? May isang bakanteng kwarto sa bahay." Napahinto siya at mariin akong tinitigan, tila ba may sinusuri sa akin. "Eh, saan ka natulog?"

Ngumiti ako. "Sa bus po. Kasama sila." Tinuro ko ang mga nurse at doctor na ngayon ay abala na kumakain ng almusal. 

"Ate Dwight!" tinig na isang bata mula sa likod. "May dala po akong nilagang kamote para sa inyo!" dagdag niya ng huminto ito sa harapan ko na hinihingal pa. 

"Magandang umaga po sa inyong lahat," bati niya ng may ngiti sa labi. 

Siya si Princess. Ang masayahing bata sa lugar. Siya ang huling bata na nakausap ko kahapon.  

I received the aluminum ware where she put the cooked sweet potatoes. "Maraming salamat, Princess. Gustong-gustong ito ni ate Dwight." 

"Yay!" She let out an adorable wide smile. "Sige po. Bibigyan ko lang po muna ang ibang mga kuya doctor!" paalam niya at tumakbo na sa direksiyon ng mga kasamahan ni Ryle. 

"Maiwan ko muna kayo," paalam ng kapitan. "Enjoy kayo sa almusal." 

"Salamat po, Kapitan," Ryle and I both replied. 

We look for a place where we could sit and eat. Tama namang may maliit na mesa na may mga patong na karton ng gamot sa kaliwa namin. Lumapit dito si Ryle at ibinaba muna ang mga ito. Inilapag ko na rin ang nilagang kamote na dala ko saka naupo. 

Nagsimula akong magbalat at inabot ito kay Ryle. "Oh. Have a try." 

He stared at it hesitantly. "Ano 'yan?" he managed to ask, looking at the thing on my hand. 

"Kamote," I simply replied. "Kakasabi lang nung bata." 

He chuckled. "It's just that I rarely eat this kind of food."

"Ang sarap kaya nito." I took a bite of my sweet potato.

"Palagi ka bang kumakain ng nilagang kamote?" he asked after he took a bite too. 

I nodded. "Yeah. Noong nasa probinsiya pa kami ni Zyah, gustong-gusto namin ito sa agahan. Piniprito naman namin ang iba para sa merienda." 

"Agahan niyo ang nilagang kamote? Wala ba kayong bigas? Hindi ba't maykaya ang lolo at lola mo?" 

"Hindi na ba pwedeng mag-agahan ng kamote porque maykaya na?" I took a glance and smiled. "Alam mo ang lolo at lola, sa farm lang talaga nagmumula ang kinikita nila. Tanda mo noong bumisita kayo roon?"

ET2: Through The StormWhere stories live. Discover now