00

122K 1.5K 278
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is the edited version.=)


Please do VOTE| COMMENT| FOLLOW.

***


SIMULA


"Sam! Aalis ka naba talaga?"

"Sad to say...but yes." Pabuntong hininga kong sagot.

Huling araw ko na ito sa Laguna kasama ang mga kaibigan ko, actually oras na nga lang ang meron ako. We're in our favorite restaurant, I treated them their favorite foods. dito na ang pinili ko dahil malapit lang samin at kaunting oras lang ang binigay sakin para gawin 'to.

My best friend, Rhea lips protruded.

"Bakit ba kailangan mong umalis?"

Ngumuso din ako bago siya tingnan. She looks lonely now, nakayuko at pinaglalaruan na lang ang daliri ni Archer. Nalulungkot rin tuloy ako dahil sa itsura niya. Halos dito na ako lumaki, matagal ko silang nakasama at marami kaming pinagsaluhang mga alaala.

Tapos ngayon lilipat ako sa ibang lugar na parang wala lang?

"Maybe... Business?"

Or other than that. I don't know also.

Natahimik sila. Alam kong nabigla rin sila sa biglang desisyon na ito. I feel sorry for them, because even me, I'm also shocked by my family's sudden decisions. Nasabi ko naman sa kanila na kapag natapos ang school year na ito ay lilipat na ako ng school. Pero ang hindi ko inaasahan ay talagang lilisanin ko rin ang lugar na ito!

"But don't worry, we will keep in touch..." Pampalabag loob ko pa.

Sigurado ako doon. Hindi pwedeng hindi kami mag-uusap. Sigurado din namang may signal doon, 'no!

"I will miss you, Samie my love!" Ayon na ang boses ni Archer.

I laugh at his endearment for me. Samie my love, for god's sake, boyfriend siya ni Rhea! But we're pure friends. Nothing less, nothing more.

"Bakit mo nga ulit mahal ang isang 'to, Rhea?" Pabiro kong tanong bago umiling sa kanila. Tumawa sila at humalik si Archer sa pisngi ng girlfriend niya.

Nakangiti ko silang pinanood. At the age of 18, I've never experienced having a boyfriend. I just can't really see myself in that state. Mas gusto kong mag-aral, mag-shopping, mag enjoy kasama ng aking mga kaibigan at tumulong sa business ng aking pamilya.

Nakatanggap ako ng mensahe kay Daddy kung nakaready na daw ba ang mga gamit ko. I just replied a simple yes. I sighed. So this is it? Bumigat ang damdamin ko. I stood up, napatingin sila sakin.

"I'm sorry, I have to go. Mamaya na ang alis ko, sagutin niyo lagi ang mga text at tawag ko ha? " Humalik ako sa pisngi ni Rias, kapatid siya ni Rhea. Binigyan ko ng friendly hug si Archer at yumakap rin ako sa malungkot kong kaibigan.

"Love you..." I whispered.

"Love you too. Take care, hmm?" Tumango ako at hinalikan siya sa noo. Kumaway ako sa kanila habang lumalakad palayo. I didn't look back because I might run back to them.

Nagpahatid na ako sa aming driver pabalik sa bahay upang makapag ready na para sa pag-alis. Manang Lila is there, waiting for me.

"Nandito na ba ang lahat ng mga gamit mo, hija?" She asked when I had finished fixing my other stuffs.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon