Chapter 32

37.7K 723 85
                                    


NOTHING

"You mad now because of my possessiveness?"

Bumuntong hininga ako at nilingon siya sa aking likod. Sa kabila ng lamig ngayong gabi ay binabalot ako ng init ng kanyang katawan. I suddenly felt nostalgic. Dati... Kaming dalawa, sa gabi at tanging street lights lang ang nagbibigay liwanag ay naglalakad kami habang hawak niya ang kamay ko.

Umiling ako sa tanong niya. "I'm not..." Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Naiilang lang ako... Dahil, dapat ay hindi mo ginagawa ang bagay na iyon sakin."

"Why not...hmm? Tell me," he said, almost whispered.

"D-Dahil, dahil hindi mo naman ako responsibilidad..." Iyon lang talaga ang tanging dahilan ko.

Saglit siyang natahimik. Siguro ay narealize niya na tama ang sinabi ko? I shook my head at my own thought. Maya-maya lang ay naramdaman ko lalo ang pagpulupot ng mga braso niya sa maliit kong bewang.

Umikot ang mga mata ko. Kahit gusto ko ang ganitong pwesto ay alam kong bawal ito. We're nothing for pete's sake. Dammit, the truth is opposite of his actions.

"Who said you weren't?" Malambing niyang tanong.

Nagkibit balikat ako at pilit na kinalas ang braso niya sakin. "It's getting cold, Darius..." Sahalip na sagutin siya ay ayon ang sinabi ko.

Lumalalim na ang gabi at mas lalong lumalamig ang hangin. Medyo mahaba naman na iyong naging oras para sa night swimming namin, pareho kaming nagbabad kahit medyo iritado siya kanina. Even me, though.

"Huwag ka munang umahon. I'll just get a towel for you..." Aniya pa.

Tumango ako kaya kumalas na siya sakin bago walang kahirap-hirap na umahon. Parang hindi man lang siya tinatablan ng lamig, nagawa niya pang mag suklay ng buhok habang diretsong naglalakad papunta sa lounge na inuupuan niya kanina.

I saw how the water dripped from his hair down to his broad back. Nakatingin lang ako sa kanya hangang sa lumakad siya pabalik sakin habang dala ang isang towel na parang inihanda niya pa talaga para sakin.

"Come here..." He commanded.

Lumapit ako sa pwesto niya at humawak sa metal stairs. Bahagya akong nanginig nang makahon ngunit naglaho din iyon nang ibalot niya agad sakin ang twalya. He embraced me too, nakakakalma ang bahagyang yakap niya.

"Still cold?"

Umiling ako at inayos ang tela banda sa aking dibdib. Paano ako giginawin kung may nakabalot na nga sa katawan ko, tapos nakayakap pa siya?

"Let's go to our room. Basang basa ka pa, baka mag kasakit ka..." Sabi ko nang mapansin na wala nga pala siyang towel sa katawan at malamig talaga!

Tumango siya kaya sabay na kaming pumasok sa hotel. We're silent as we walked upstairs. Nauuna ako habang siya ay nakasunod sakin. I could feel his gaze behind me, his eyes were like a hawk guarding his prey.

Dumiretso ako sa bathroom nang makarating kami sa aming kwarto. I showered again and did my night routine. Nakabalot ang maliit na twalya sa aking buhok nang makalabas ako.

Isang beses akong sinulyapan ni Darius bago pumasok sa bathroom. I frowned, there was something in his eyes. May problema ba siya? Ahh, I should ask him.

Kaya hinintay ko siyang matapos sa pagligo. I glanced at the wall clock, 9:30 PM. Bumuntong hininga ako bago tumayo sa kama at dumiretso sa mini ref. Napangiti ako nang may makitang beer doon. Kinuha ko iyon at pumunta sa may veranda, I opened the glass door and the cold air immediately embraced my body.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon