Chapter 23

29.4K 624 337
                                    

LEAVE

Katahimikan ang bumabalot sa malaking espasyo ng hardin sa mansyon nila Darius ngayon. Matapos ang pangyayari kanina ay wala ng nagsalita. Ang mayordoma na mismo ang nagpatuloy kay Jamaica at sa Mommy ni Darius.

Mahigpit ang hawak ni Darius sa aking kamay sa ilalim ng mesa habang walang emosyong nakatingin sa Mommy niya. His Mom is also looking at him with full of sadness in her eyes.

"Tita, you should eat..." Boses iyon ni Jamaica.

Tumango naman ang Mommy ni Darius pero hindi pa rin gumagalaw. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Paanong mag kasama sila ngayon?

"What are you doing here?" Malamig na boses ni Darius ang narinig ko.

Napasinghap ako. "Ruru..." I softly called him para tumahimik!

That's his mother! Iba pa naman ito magalit dahil nawawalan ng preno ang bibig!

He looked at me and he bit his lower lip. I smiled gently at him, tumango siya.

Nang ibalik ko ang tingin sa Mommy niya ay naabutan ko itong nakatingin sakin gamit ang seryosong mga mata, kaya sahalip na ngumiti ay napaiwas ako.

"Let's eat..." Deklara ni Tito Nathan gamit rin ang seryosong boses.

Ang mga kamag-anak nila ay tahimik lang din at gumagawa nalang ng sariling usapan upang matibag ang kaunting tension sa mesa.

"Do you want this?" Darius asked while holding a plate of shrimps.

Tumango agad ako. "Yes, thank you."

"Anong ginagawa mo dito, Selene?" Tanong ni Tito Nathan mula sa dulong gitna ng mesa.

"I didn't expect that kind of welcome, Nathaniel..." Ngumisi ang Mommy nila.

"What do you expect, then? Welcome you with our arms wide open?" Malamig na sabi ni Tito na sa palagay ko ay naghihiwa ng steak.

"Dad..." Pigil ni Hezekiah.

Hindi ako nagangat ng tingin kaya hindi ko makita ang mga reaksyon nila. Malakas ang hampas ng dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"Maganda na ang buhay mo sa ibang bansa, bakit ka pa bumalik dito?" Dagdag ni Tito.

"I want to be with my children, Nathaniel. Masama ba iyon?"

"Simula nung umalis ka dito, wala ka ng mga anak."

"Daddy!" Halos sabay na tawag ni Maddieson at Hezekiah.

Oh gosh! I hate this kind of fight. I've never encounter these before.

"Just eat, don't mind them..." Ani Darius saking tabi.

Hindi ba siya naiilang? Nag aaway na ang mga magulang niya tapos iniisip niya pa din ang pag kain ko.

Hindi ko napansin na natigil na pala ako sa pagkain. I wiped my mouth. Nag angat ako ng tingin at saktong tumama iyon kay Jamaica na nakatingin kay Darius, ngunit nang mapansin ang titig ko ay sumama ang tingin niya sakin.

"You're being ridiculous -"

"Stop it, Selene..." Nagsalita na ang Lola nila Darius. "Nasa harap tayo ng hapag, hindi niyo ba pwedeng pag usapan iyan sa ibang pagkakataon?"

Pareho silang natigil pero hindi nawala ang sama ng tingin ng Mommy nila, at hindi naman nabawasan ang lamig sa mga mata ni Tito.

Habang tahimik kaming kumakain ay hindi ko mapigilan ang mapaisip. Bakit nga ba hindi nawawala sa pamilya ang mga away? Ang pagkakalabuan na humahantong sa hiwalayan?

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon