Chapter 15

31.9K 757 123
                                    

TRAINING

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako nang matapos ang araw na ito. Walang laman ang isipan ko kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag kila Mommy na sumali ulit ako ng volleyball. Kinakabahan ako dahil sigurado akong magagalit sila.

"Are you okay?" Darius asked while driving. Pauwi na kami ngayon at sa kanya ulit ako sumabay.

"Yes..." I breathed.

"Kanina ka pa tulala... I saw you talking to Coach Perez, sasali ka?" Pagbubukas niya ng topic.

Sumulyap siya ng isang beses sakin. Tumango ako at sumandal sa back rest ng upuan.

"Do you think it's a good idea, Ruru?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"If you will be happy, then that's a good idea for me..."

I chuckled. Medyo gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. This man can really lighten up my mood, nagpapasalamat talaga ako na nandito siya ngayon.

"Hindi talaga pwedeng walang banat, 'no?" Biro ko.

He let out a small laugh. Nagulat pa ako nang abutin niya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita at dinala iyon sa kambyo. I bit my lower lip while staring at our holding hands.

"You know I want to see you smiling, right?" Aniya.

He wants to see me smiling, huh? Palihim akong napangiti. Hindi ko inaasahang magiging ganito kami sa isa't isa ni Darius. Dati ay ayaw ko sa kanya because of our first encounter, he judged me and I promised to myself na hinding hindi ko siya magugustahan. Pero ito ngayon at napapangiti ako sa simpleng mga bagay na ipinapakita niya.

What the hell, right?

Scam ka, Samantha!

I smacked his shoulder kaya ngumisi siya. Umiwas ako ng tingin at sumulyap sa madilim na labas. Mabilis ang patakbo niya dahil wala namang masyadong sasakyan, lalo na at papasok kami sa village.

Nang makita ko na ang gate ng bahay ay pinagpawisan na ako ng malamig. Alam kong ramdam iyon ni Darius dahil hawak niya ang kamay ko. Napansin ko rin ang pagkunot ng noo niya habang ang mga mata ay focus sa kalsada.

"Are you sure you're okay?"

Tumikhim ako bago ayusin ang bag para sa pagbaba. Tumango ako sa kanya bago ngumiti. "Yes, don't worry..."

"Samantha..." Ayon na ang seryosong pagtawag niya.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunang sabihin nalang sa kanya ang bumabagabag sakin, dahil alam kong hindi niya rin ako tatantanan hangang sa makuha niya ang sagot. Knowing this man, he will do anything just to have everything he wants.

Saktong paghinto ng kotse niya sa tapat ng gate namin ay humarap siya sakin. Seryoso nanaman ang tingin at halos lumamig na. Ang pinaka ayokong tingin niya ay nagpapakita nanaman.

"Okay, chill..." Napalunok ako at nakamot ang noo.

Tumagilid ang ulo niya at naghihintay sa sasabihin ko.

"This is not a secret, pero ayokong nag-aalala ang mga taong malapit sakin..."

Halos magsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

Tinaas ko ang kanan kong kamay at dahan-dahan winagayway sa harap niya. Lalong nangunot ang noo niya doon.

"I have a bone fracture in my right hand, that's why I stop playing volleyball years ago..." I smiled nervously.

Umawang ang labi niya at maya-maya lang ay nakitaan ko na ng galit ang kanyang mga mata. Inabot niya ang aking kamay at tiningnan ng mabuti iyon.

"B-But it's fine now—"

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon