Chapter 28

35.8K 700 69
                                    

DAY OFF

Kahit kailan talaga ay hindi mo mapipilit ang isang tao na gustuhin ka. That's life. You need to know your limit, dapat mong malaman ang kinatatayuan mo sa buhay ng isang tao. Hindi puwede iyong naga-assume ka lang, hindi puwede iyong ikaw mismo ang nagdedesisyon.

Tinamaan na ako ng hiya, kahit wala pa naman akong masyadong ginagawa. Siguro nga pride nalang ang bumubuhat sakin para hindi ako mag makaawa sa kanya. Pride at respeto nalang ang natitira sakin ngayon.

Kasabay nang pagpasok ko sa elevator ay ang pagtulo ng sunod-sunod na luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako umaasang hahabol siya. Gusto ko tuloy pag tawanan ang sarili ko. Si Darius ay hahabol sakin? How pathetic, Sam? He won't never chase you, because he's happy now! Hindi ka na niya kailangan.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa sariling naisip. Nakakapagod din pala 'to. I'm not immune in this kind of pain, I can't bear this kind of feelings. Ang sakit ng puso ko sa tuwing naaalala ko iyong mga sinabi niya kanina.

Pinunasan ko agad ang aking luha at inayos ang sarili. Sinuot ko ang aviator at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng hoodie. I cleared my throat before I stepped out of the elevator. Taas noo akong lumakad at walang nilingon na kahit sino.

I look so stupid right now. Why do I seem so embarrassed? Ramdam ko ang pangangatal ng aking tuhod ngunit pinipilit kong lumakad para makauwi ako sa bahay, I just want to rest. Cry all day and heal myself.

"Good day, Miss Silva..." Anang guard bago ako makalabas.

I chuckled and nonchalantly walked out of the building. Good day, huh?

Walang lingon-lingon akong pumasok sa kotse at pinaharurot agad iyon paalis. Sigurado akong walang tao sa suite ngayon dahil pumunta sa Ilocos Norte ang mga magulang ko para maghanap ng beach resort na gaganapan ng kanilang Anniversary.

Si Lucas ay siguradong na sa trabaho niya. Sila Tío at Alejandro ay paniguradong may mga kanya-kanyang lakad din. Nang pumarada ako sa parking lot ay ilang sandali pa akong nanatili sa kotse bago ako tuluyang pumasok sa HDL tower.

All the Good good mornings are directed to me. Dahil wala ako sa mood para ngumiti ay hindi ko nalang sila pinansin, good thing I was wearing my sunglasses.

"DeeBlu..." Mahinang tawag ko sa aking mga alaga bago isarado ang pinto.

Tahimik ang buong lugar. Napahinga ako ng malalim. I'm alone... Again. Naupo ako sa sahig kasabay nang paglabas ng mga aso ko mula sa aking kwarto. I immediately smiled and welcome them.

Ahh, my home.

"Hey, babes. Did you eat? Kinain niyo ba 'yong iniwan ko dito?" I chuckled while caressing their soft fur.

They purred like a cat, Deebo licked my face while Blu rested on my thigh. I can't help but to smile. they're so sweet! Parang miss na miss nila ako.

"Aww... I miss you too, Mi queridos..." I kissed their head before I stood up.

Lumakad ako papunta sa kwarto at sumunod naman agad sila. Naligo ulit ako at nagpalit ng komportableng damit. Nilagyan ko ng pagkain ang bowl nila DeeBlu bago ko sinarado ang malaking kortina sa aking kwarto. There, my whole room is dark right now.

Darkness. I hated darkness before, but after so many years, it became my comfort zone.

Tumagilid ako ng higa at ipinikit ang mga mata. Kinurot ko ang aking mga daliri para hindi matuloy ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

"Sana naging panaginip nalang itong lahat..." I whispered painfully before I fell asleep.

Isang basang bagay ang dumampi sa aking pisngi, kasabay nang pagtunog ng aking cellphone. I slightly open my eyes and Deebo's tongue is the first thing I saw. Hinawi ko ang mukha niya palayo sakin at tamad na inabot ang cellphone sa side table.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon