Chapter 16

31.3K 759 190
                                    

JEALOUS

"Anong nangyari sa inyo?"

Unang tanong ng pinsan ko nang makita niya akong nakaupo at tulala dito sa Veranda. Pinaglalaruan ko ang kutsara sa aking harap habang pinagmamasdan siyang maupo at may dalang tasa ng kape.

Dalawang araw na ang nakalipas at wala pa ring nagbago sa pakikitungo ni Darius sakin. Sa dalawang araw na iyon ay ilang beses ko siyang kinausap but he such a snob and cold. Lagi ko siyang nakikitang nagtetraining kasama ang mga kaibigan niya pero seryoso at halos wala siyang gana.

Hindi niya ako pinapansin pero I appreciate his presence. Pansin ko na lagi siyang nasa Gym at nanonood kapag may training kami at sila ay wala. Lagi ko rin siyang naaabutan na tiningtingnan ako sa tuwing break namin at umiiwas naman siya kapag napapansin niya na ang titig ko. Sa uwian ay pansin ko rin ang kotse niya na nakaparada hindi kalayuan sa kotse namin at kapag nakapasok na ako ay tsaka siya aalis.

"He's mad..." Tanging nasabi ko.

"Obviously," Lucas even chuckled.

Umirap ako. I sliced the pancake in front of me and filled it with honey. Si Lucas naman ay nakatingin lang habang ginagawa ko iyon.

"You have a problem?" Tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.

Nakita ko ang pagiling niya bago sumandal sa upuan at humalukipkip. "Katulad pa rin nung dati..." Aniya.

"Wala pa ring balita?"

"I tried to ask her sister, but like Shanele... tahimik rin."

Ngumisi ako bago mapailing. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyayari sa love life ni Lucas ngayon, pero sigurado akong mas malabo pa sa blurd ang kanila ni Shan.

"You have a training tomorrow?" He suddenly asked.

Tumango ako. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok at wala ring training, pero kahapong sabado ay meron.

"Nasabi sakin nila Tita ang tungkol sa kamay mo, are you sure that's okay?"

"Yes, minsan ay sumasakit, pero kaunting pahinga lang ang katapat..." Ngumiti ako.

Tumango tango siya bago ubusin ang kanyang kape at tumayo. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang daliri. Inaabangan ko naman ang sunod na sasabihin niya.

"Any plans for today?"

"Going to the mall and buy some stuff..." Sagot ko.

"Take care..." Tumango ako bago ubusin ang aking agahan. Siya naman ay bumalik na sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa tahimik na kalsada sa aking harap. Wala man lang katao-tao, kung meron man ay madalang kung makita. Halos walang sasakyan na dumadaan at malinis rin. Nakaka appreciate rin naman 'yong ganito lalo na kapag gusto mong mapagisa at ng katahimikan.

Naalala ko noong nasa Laguna pa ako ay madalas rin akong nasa terrace dahil ang tapat non ay ang Malawak na flower garden ni Mommy. The flowers there are healthy, blooming and really beautiful, especially because of the flower's assorted color. Kapag nasa taas nga ako at dudungawin ko iyon ay para akong nakakakita ng rainbow sa lupa.

Ngayon ay si Manang Lila na ang nagaalaga doon kasama ang mansyon. Pagkatapos ng mahabang oras kong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko ng ayusin ang sarili upang matuloy ang plano ko ngayon.

Naligo ako at nasuot ng Criss-cross tie crop top and high waist jeans at ang aking white rubber shoes. I also tied my hair and put some liptint and blush on.

"My, alis po muna ako..." Salubong ko kay Mommy pagkababa.

Tumaas ang kilay niya habang tinitingnan ako mula ulo hangang paa. Inilagay ko naman ang cellphone ko sa sling bag na dala habang hinihintay ang sagot ni Mommy.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon