Chapter 6

39.6K 957 166
                                    


RURU


Mahigit dalawang buwan na din kami dito sa Vigan at inaamin kong onti-onti ko na itong nagugustuhan. Nasasanay na din ako sa buhay na meron dito at sa iba pang mga gawain.

Ilang araw nalang ay malapit na ang pasukan dito kaya marami na ang naghahanda. Katulad nalang namin. Ngayon ay pupunta kami sa Market para bumili ng mga gamit, si Lucas lang ang kasama ko dahil abala sila Mommy sa pag aasikaso ng mga requirements ko para sa gagawin kong paglipat dito.

"May Mall ba dito?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.

Tumango si Lucas habang nagtitipa sa cellphone niya. "Sa Xentro, malayo pa dito iyon..."

Ngumuso ako. Gusto ko pa namang pumunta doon para mamili. Ang init kasi at paniguradong siksikan sa market na pupuntahan namin. You know, I hate crowded place.

"Ema, marunong ka ba mag braid ng buhok?"

Ema smiled and nodded immediately before she approached in front of the large mirror. She combed my long hair and started asking questions.

"Nag bangs ka, Ma'am?" Paguusisa niya. 

Tumango ako. "Medyo mahaba na nga siya kaya isama mo nalang..."

Manipis lang naman ang bangs ko at natripan ko lang talaga ang mag palagay nito. Sabay pa kami ni Rhea na nagpagupit at nagpakulay noon pero dahil mahigpit ang school namin ay binalik namin sa original na kulay.

"Are you done, Sam? Darius is waiting for us. Sasabay daw..." Nakangising sabi ni Lucas sakin.

Umirap ako bago tumango. Sa tagal ko dito ay nasanay na ako sa lalaking 'yon. Minsan ay nagkakasundo kami pero dahil sa mga kalokohan niya ay mabilis akong naiinis. Madalas akong inaasar kaya madalas ko din siyang gustong bigwasan.

Inayos ko ang sling bag na dala at hinagod ang nakabraid na buhok papunta sa kaliwang balikat. I was wearing a sleeveless blouse and faded pants with my sneakers. Suot ko ang aviators at nagdala din ako ng sumbrero bago kami lumabas.

"Bro, dito na kami sa labas niyo... Oo gago, lumabas ka na." Rinig kong sabi ni Lucas habang nakaparada ang kotse sa tapat ng gate ng magarang mansyon nila Darius.

Dumungaw ako sa bintana at saktong nakita siyang palabas. Nakasuot lang siya ng gray t-shirt and khaki short at sneakers. Mula dito ay kitang kita ko ang pag kinang ng dog tag niya at silver warch dahil sa pagtama ng sikat ng araw don. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya na marahang inaayos ang buhok habang naglalakad palapit.

Bumaba ako ng front seat para makalipat sa backseat. Napahinto siya nang makita ako. I looked at him first before I opened the backseat door, dahil suot ko ang salamin ay hindi ko siya magawang irapan. Ngumisi siya kaya mas lalong sumama ang mukha ko.

"Ganda ng umaga." Ani Darius nang makapasok sa kotse.

"Asshole..." Napailing na sabi ni Lucas.

Tahimik lang ako dito sa likod nila habang nakasandal sa backrest. Nakahalukipkip pa ako at diretso lang ang tingin. Gustong ngumuso dahil sa sinabi ni Darius.

"Buti pumayag pinsan mo na sa Market lang?" Pahabol niya pa na hindi ko alam kung nagaasar ba o ano.

Kahit nakasalamin at hindi niya kita ay napairap ako. Anong akala mo sakin hindi pa nakakapunta sa mga ganong lugar? Ayoko lang sa madaming tao at masikip dahil nanlalagkit ako at mahirap huminga.

"Well, I don't know. We can go to the Mall if she wants to." Seryosong sabi naman ng pinsan ko.

Ngumisi si Darius. "Spoiled..."

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon