Chapter 7

38.3K 853 132
                                    


FIRST DAY

I'm nervous. Why? Because tomorrow will be my first day as an official student of Vigan Valley University.

"Maayos na ba ang mga gamit mo para bukas, Samantha?" Unang tanong ni Mommy nang pumasok siya ng kwarto ko.

"Opo..." Umangat ang tingin ko sa kanya. "Kamusta po si Lucas?"

Nag-aalala ako sa pinsan ko ngayon dahil simula nung pangyayari noong enrollment ay hindi na siya makausap ng ayos. Minsan ay lasing at madalas ay tulala. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi alam ang gagawin.

"Ganon pa rin," Bumuntong hininga siya. "Nagaalala na ang Lola at Lolo niyo. His Dad is also worried. Gusto ng pabalikin sa espanya..."

Napapikit ako ng mariin. I can't really understand men. They're complicated.

"Should I talk to him? Pero ano namang sasabihin ko?" I murmured to myself.

Lumabas na si Mommy dahil tutulong pa daw siya sa pagluluto para sa hapunan namin. Ako naman ay tinuloy ang pakikipag usap sa kaibigan ko.

Me:

So, nursing ang napili mo?

Rheign:

Oo, nakapag exam na ako. Maayos na rin ang lahat ng requirements ko.

Me:

That's good. Ako rin maayos na, bukas na ang start ng klase namin dito.

Rheign:

Maganda ba talaga dyan?

Me:

Actually, yes. The ambiance can give me chill.

We talked for a minutes before I bid my goodbye because I have to go to my cousin. Nagsuot ako ng jacket bago bumaba sa patio kung nasaan siya. Pero ganon nalang ang gulat ko nang makitang hindi siya nag iisa doon!

Tumaas ang kilay ni Darius sakin nang mapansin ang pag dating ko. Napalunok naman ako sa titig niya bago dahan-dahang lumakad palapit sa pwesto nila. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap nilang dalawa. Ang pinsan ko ay nakadukdok sa mesa at may mga lata ng beer sa harap. Darius is also holding a can of beer.

Ruru's stares remained on me that's why I couldn't look at him. His gray eyes can give shiver down my spine. Lagi nalang sa tuwing titingin siya sakin.

"Lucas..." Pagtawag ko at piniling balewalain si Darius sa harapan ko.

"Let him, Samantha..." Agap agad ng lalaki sakin.

Napanguso naman ako at umayos nalang ng upo. I get chips and beer, but before I could even reach the beer Darius suddenly slapped my hand. Mahina lang naman 'yon, enough lang para matigil ako.

"What?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Gabi na..."

"Ano ngayon?"

"Linggo..."

Lalong sumama ang tingin ko pero ngumisi lang siya. Ayan! Naguumpisa nanaman siya. Ngayon tuloy ay nagsisisi na ako kung bakit pa ako bumaba dito.

Dahil hindi ako makainom ng beer ay nagpakuha nalang ako ng juice sa loob ng bahay. I was looking at the dark scenery in front of me. The sky is dashing tonight. There's so many stars and also, the moon is visible and big.

I suddenly want to take a picture of it.

"Sam..." Bumalik ang pagiisip ko nang marinig ang tawag sakin ng lasing na si Lucas.

"Hmm?"

"Am I s-stupid?" He suddenly asked.

Saglit akong natigilan dahil sa tanong niya. Napalunok ako bago nag-angat ng tingin sa kanyang kaibigan. Kunot rin ang noo nito.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon