Chapter 21

33.9K 643 100
                                    

HONEST

"Ah, the fresh air of Spain..." I whispered and slowly closed my eyes as I felt the cold air embrace my body.

Narinig ko ang pagngisi ni Lucas sa aking tabi. Napadilat ako at inilibot ang tingin sa labas ng Airport kung saan namin hinihintay sila tía Bea na susundo samin. Mahigit 17 hours ang byahe namin papunta dito. And even though I just sat the whole flight, I am pretty tired.

"You like it here?" Biglang tanong ni Lucas.

Wala sa sarili akong tumango habang pinagmamasdan pa rin ang senaryo sa aking harap. Naririnig ko ang usapan nila Mommy at Lola tungkol sa uri ng pamumuhay dito. The people here are really have a big respect for each other. Dito ka man nakatira o dayo ka, that's why I like it here. Plus the fact that they have a great quality when it comes to education and work.

"Payapa..." Nasabi ko.

"Sobra, that's why Alejo and Alejandro chose to stay here." Pagtukoy niya sa kambal na anak ni tío Esteban, pangatlo sa magkakapatid na Silva.

"Do they still remember me?" I chuckled.

"Guess so... they were only Seven years old when you came here. Maraming taon na rin ang lumipas."

Napatango ako sa sinabi niya. Halos hindi ko na nga matandaan iyon, ang tanging natatandaan ko na lang noon ay ang madudungis at maputik nilang mukha.

"I wish Darius is here..." Bumuntong hininga ako ng maalala ang lalaking iyon.

Nahirapan pa akong kumbinsihin siya dahil hindi talaga siya payag. Sabi niya ay ang isa o dalawang araw nga lang ay hindi na siya mapakali kapag wala ako, iyong linggo pa daw kaya. But because he had no choice, wala siyang nagawa kun'di ang pumayag sa huli.

"Enjoy your new year there, Samantha. Don't hesitate to call when you miss me..." Ngumisi siya sakin.

Natawa ako. "Ah-huh, dapat mong sagutin lahat ng tawag ko."

"Of course, baby. I will," bumuntong hininga siya. "Ayaw kitang paalisin, but that is your family thing. Bumalik ka na lang agad..."

Nangingiting kinurot ko ang kanyang braso na nakayakap saking bewang. Paulit-ulit niyang pinatakan ng halik ang aking noo kaya wala akong nagawa kun'di ang pumikit para damhin ang kanyang labi.

I don't mind everything he's doing to me right now even though we're still here in the park!

"Kadarating lang natin dito... don't tell me miss mo na agad?" Natatawang tanong ni Lucas sakin.

"Then I won't tell you..."

"Love birds," napailing siya.

Napairap nalang ako bago lingunin ang kulay itim na VAN na kahihinto lang sa harap namin. Nang bumukas ang pinto nito ay agad na lumapad ang ngiti namin ni Lucas nang patakbong lumapit samin ang kambal.

"Hermosa dama!" They exclaimed in unison.

Lucas and I both laugh. Nothing change, huh?

"How about your Hermoso amigo?" Ani Lucas habang nakayakap samin ang dalawa.

From here, nakita ko nang lumabas ng sasakyan sila tío Felipe, tío Esteban at tía Bea upang makalapit samin. Sinalubong nila ng yakap ang kanilang magulang, at pati ang kanilang pangalawang kapatid. I saw tía Bea kissed my Mom in her cheek.

"¡te extrañamos!" Ani Alejo bago humiwalay samin.

Mas bata sila ng ilang taon sa aming dalawa ni Lucas. If I'm not mistaken they are fifteen years old now. Pero dahil ang lahi namin ay matatangkad at talagang magaganda ang pangangatawan ay hindi halata ang batang edad sa kanila.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon