Chapter 31

36.2K 686 43
                                    


TORTURE

This is all I want... Fresh air, white and fine sand, calm water and the breathtaking view of the beach.

Napapikit ako habang sinasalubong ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha. I opened my eyes, and a smile crept on my lips when I saw the sun setting. Kulay kahel na ang langit at napaka ganda nitong pagmasdan ngayon.

Napatingin ako sa lalaking tumabi sakin. Hinahangin ang buhok niya kaya bahagya itong nagugulo. Ngumuso ako habang nakatingin sa ilang buhok niya na nakalaglag sa kanyang noo.

"Let's go?" Baling niya sakin.

Tumango ako kaya sabay na kaming pumasok sa Hotel kung saan naka book ang promo tickets na nakuha ko. Alam kong isang kwarto lang iyon, kaya kinakabahan ako dahil baka ayaw niya ng ganon. Naisipan ko na lang na pwede naman siguro kaming magpakuha pa ng isang room, pero kami na mismo ang magbabayad.

"Good afternoon, ma'am... Sir..." The receptionist greeted us.

Mukha pa siyang manghang-mangha kay Darius na walang ibang ginawa kun'di ang tumingin sakin at hintayin ang sasabihin ko.

Simple lang naman sana ang suot at itsura nitong lalaki ngayon, pero bakit nakakakuha pa din ng atensyon?

"Good afternoon..." Tumikhim ako.

Napakurap-kurap 'yong babae at pinamulahan bago ako balingan. I smiled at her before showing her the two tickets.

Hindi ko na kailangang sabihin kung ano 'yon dahil nung nakita niya 'yon ay tumango agad siya at ilang saglit na may ginawa sa kanilang computer.

"Kindly sign this, ma'am. Mr. Leonard Ricci already informed us." Nakangiting sabi niya.

Leo is the organizer of that drag racing event. He is Alejandro's friend from Spain. Ang alam ko ay madalas din siya ang may pakana ng mga drag race sa espanya.

Natigilan ako bigla nang may mabasa sa papel na pinipirmahan ko. Hindi nga ako nagkakamali! Isang kwarto lang ang meron! 

"Uh..." Tiningnan ko si Darius, tumaas ang kilay niya sakin. "Isa lang 'yong kwarto para satin, it is fine? Or you want to—"

"No, that's enough... As if we didn't see each other—"

"Here, miss. Thank you..." Pinutol ko agad ang dapat na sasabihin niya.

Narinig ko siyang ngumisi sa gilid ko kaya sinipa ko ang paa niya sa gilid. The nerve of this man! Ang lakas-lakas ng loob!

Hindi din nagtagal ay naasikaso na ang three days stay namin dito sa boracay, kung gusto daw namin mag extend ay pwede naman daw, pero may bayad na 'yon. Of course! Alangan naman forever libre tayo?

But we can't stay here for long. Darius have work in manila, and also me. Hindi ko din pwedeng kalimutan ang mga baby ko.

Malinis at maaliwalas na silid ang bumungad samin. Golden brown ang kulay ng kwarto at may mga frame arts pa. May sliding glass door na tanaw ang magandang dagat sa labas at wooden door na alam kong bathroom. There is also a glass table, two couches and of course the king size bed, good for two people.

Itinabi ko ang aking maleta sa gilid ng pinto, ganon din ang ginawa ni Darius bago naupo sa kama at bahagya 'yong hinaplos habang nakatingin sakin. I rolled my eyes and looked away, seeing him on the bed makes me...

Err, never mind!

"Let's eat? I know you're hungry, puro chocolates lang ang kinain mo kanina..." Aniya habang nakayuko at sinusuklay ang buhok gamit ang daliri. 

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon