Chapter 12

38.7K 894 391
                                    

DINNER

Why do people get angry? Why can't other people control their temper? And why do people make mistakes?

Lahat tayo ay nagpapakita ng mga emosyon. Minsan mga emosyon at paguugali na hindi natin kayang pigilan. And we often make decisions without thinking about the consequences. That's our wrong, people. Nagpapadalos-dalos tayo at sa huli natin pagsisisihan kapag nalaman nating mali pala ang ginawa natin.

Dumiretso ako sa clinic nang matapos ang eksena sa Gym. Mabuti nalang at wala ang professor namin para sa unang klase, busy rin ang ibang guro dahil sa pinoproblema nilang programs.

Sinalubong ako nung nurse sa clinic pag pasok ko. "Ano nangyari?" Tanong niya agad.

"Just scratches, miss..." Sagot ko.

Pinaupo niya ako sa kama at umalis saglit. Nang bumalik siya ay may dala na siyang first aid kit. She put alcohol on the cotton, she's on the verge in putting it to my skin when I stopped her.

"A-Ako na po..." Sabi ko.

"Linisin mo ng mabuti." Aniya.

Tumango ako at kinuha sa kanya 'yung cotton at alcohol. Umalis na siya at bumalik sa kanyang table kaya nag focus na ako sa sugat ko. The scratches in my arm are long, namumula pa ang gilid at may mga kurot kurot rin. Natuyo na rin ang kaunting dugo. I bit my lower lip when I felt the alcohol on my skin.

"Bakit ba kasi pinatulan mo pa 'yon, Samantha? Look what happened to your skin. Looks like we're going to wear long sleeve for the meantime, huh?" Pakiusap ko pa sa sarili.

Nakangiwi ako habang dahan dahang pinapadaan sa sugat ko ang bulak na may alcohol. Ang hapdi!

"Bakit ka kasi pumatol?" Tanong ng boses sa aking likod.

Napatalon ako sa kinauupuan at bumaling sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib nang makita si Darius na seryoso at madilim ang mga mata habang nakatingin sa aking braso.

"Ruru..." I called.

Umigting lang ang panga niya bago lumapit sakin. Kumuha siya ng bagong cotton at nilagyan ng alcohol. Napaatras ako nang dinampi niya 'yon sa sugat ko. He glanced at me and bit his lower lip.

"I'm sorry, I'll be gentle..." Aniya.

Tumango ako at hinayaan siya. I was looking at him while he's busy cleaning my wounds. Darius thick brows are almost in a straight line and his red lips are slightly protruded. May ilang buhok na nakalaglag sa kanyang noo kaya hinawi ko iyon. Umangat ang tingin niya, ngumiti naman ako.

"Care to tell me what happened?" Maingat na tanong niya.

Ngumuso ako, handa nang magkwento pero bago ko pa magawa iyon ay dumating na si Lucas na hinihingal pa. Lumapit agad siya at tiningnan ang braso ko na hawak ni Darius.

"Are you okay, Sam?"

"Yeah..." I looked away.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Naupo siya sa kaharap kong kama at pinagmasdan ako. Then suddenly, he smiled like an idiot. Inirapan ko siya kaya ngumisi siya.

"Did you wash this, Samantha?" Darius suddenly asked while putting ointment to my scratches.

"No," Umiling ako.

Umangat bigla ang tingin niya kaya ngumiti agad ako para hindi siya magalit. He sighed heavily, like a problematic beast.

Tumikhim ang pinsan ko kaya sabay kaming lumingon sa kanya.

"What happened?" Tanong niya rin kalaunan.

I licked my lower lip, ready to tell them the story but suddenly... Gray, Wylon and Jayson came.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon