Chapter 10

35.5K 855 285
                                    


SUYO


At the time you needed them the most, they are not by your side.

Doon lang pumasok sa isip ko ang tanong na, Sino nga ba ako? I'm just a typical probinsyana who transferred to this place. I am no one. Kahit sarili ko nga ay hindi ko magawang iligtas.

Basang basa ako nang makarating sa bahay at sobra-sobra ang gulat sa mukha ng mga tao doon. My Mom immediately gave me a towel and my Dad was furious because Mang Biste and Lucas didn't wait for me. Si Lolo at Lola ay agad akong tinanong pero kahit isa ay wala akong nasagot.

Tulala ako habang nasa bath tub at nililinis ang sarili. Tumulo nanaman ang luha ko nang maalala ang nangyari kanina.

Walang nakakaalam sa pangyayari na yon. Walang may alam dahil walang nakakita, wala akong kasama dahil iniwan ako. I almost die in that dark place without anyone knowing!

I was silenty praying for help, for him to come. But he didn't. I felt hopeless... Until now.

"Samantha!" Katok ni Mommy sa labas ng pinto ang aking narinig.

Hindi ako sumagot.

"Samantha, open this door! What happened to you!?" Bakas ang pagaalala sa boses niya.

I did not answer, instead I opened the shower para malaman niyang nandito parin ako at humihinga.

"Hihintayin kita dito! We will talk." Aniya bago ko marinig ang yabag paalis.

Nagtagal ako sa CR. Nagbihis at nagroba nang lumabas. Tulala ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Nang masulyapan ko ang aking leeg ay naguunahan nang tumulo ang mga luha ko.

"Samantha Niamh!" Natatarantang tawag ni Mommy sakin at napatayo pa sa aking kama.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa nanginginig na boses.  

She touched my cheeks but I immediately hugged her neck. I was trembling with fear. I cried on her neck like a baby.

"Mommy!" Iyak ko.

"A-Anak..." Tawag niya.

"Mom, n-nakuha po ang cellphone ko... M-Muntik na akong m-mamatay, Mommy!" Sumbong ko. "T-Tinutukan niya ako ng k-kutsilyo sa leeg! Natatakot ako, My! B-Baka balikan niya ako!" Halos hindi na maintindihan ang bawat salitang namutawi sa bibig ko.

"Anak! Ano?" Narinig ko ang iyak ng aking ina. "Sinong gumawa sayo?!" Pasigaw niyang tanong.

Hindi ako sumagot at paulit ulit na umiling. Hindi na ako makapagsalita dahil puro iyak at hikbi na lang ang nagagawa ko. Nagsisimula na rin akong pagpawisan ng malamig, paulit ulit kong pinunasan ang leeg dahil nararamdaman ko parin ang lamig ng matulis na bagay na yon!

"Mommy! H-Help!" Iyak ko.

"FRANZ!!!" Malakas na tawag ni Mommy at maya-maya lang ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na lagabog paakyat sa kwarto ko.

Inalalayan ako ni Mommy para makalipat sa kama at kahit nanghihina ang mga tuhod ay nag paubaya ako. Nakahawak ako sa kaliwang bahagi ng aking leeg habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.

"Samantha!" Narinig ko na ang tawag galing sa aking ama.

"What happened!? Elizabeth! Lucas! Darius!?" Tanong niya.

Wala akong naging pake kung sino man ang mga taong nakapalibot sakin ngayon. May mainit at malaking kamay ang bumalot sakin, ramdam ko ang panginginig nito pero wala doon ang isip ko.

"Daddy!" Tawag ko. "T-Tulungan niyo po ako!" I closed my eyes tightly as the tears keep on streaming down on my cheeks.

Umiiyak si Mommy at Lola sa tabi ko. Alam kong halos lahat sila ay hindi alam ang gagawin. Mas lalong ako sa sarili ko! The hold on my hand tightened even more and I could feel the suppressed emotion in his grip.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon