Chapter 18

34.8K 701 98
                                    

TEXT MATE

Totoo ngang kapag masaya ka ay hindi mo na napapansin ang takbo ng oras at araw. Ilang linggo na ang lumipas simula noong natapos ang intramurals sports program sa VVA. Though, we didn't win because the JHS players are good.

Ang team nila Hezekiah ang nanalo at ayos lang iyon samin. We enjoy and we have fun. Nang matapos nga iyon ay nagkaroon sila ng party sa kanilang mansyon at kasama kami, nanalo rin kasi sila Darius sa basketball finals kaya double celebration ang nangyari.

Napuno ng sayawan, inuman at kwentuhan ang gabing iyon. Nagalit pa sakin si Darius dahil kapag hindi siya nakatingin ay pasimple akong umiinom, tinatawanan ko nalang siya. Hindi niya kasi ako pinapayagan! Nandoon naman ang pinsan ko kung sakaling malasing man ako. Darius was extra serious but more clingy that time, ang mga kateam at kapatid niya ay inaasar na siya pero wala siyang pake doon.

Ngayon ay wala kaming pasok dahil Undas break. Meron kaming isang linggo para dito. Ginagawa kong busy ang sarili ko sa pakikipagusap sa mga kaibigan ko sa Laguna. Gusto nga nilang pumunta dito pero dahil sa hectic sched at school works nila ay hindi nila masingit, lalo na si Rhea dahil nursing siya.

Me:

Next time nalang if you have a clear schedule na.

Uminom ako ng juice habang tutok ang aking mata sa laptop. Tulad ng nakasanayan ay nandito ako sa patio, tanghaling tapat at tirik ang araw.

Rheign:

I really want to go there. Kahit hindi na kasama si Archer.

Me:

Huwag muna, Rhea. Marami pa namang ibang araw.

Ito nanaman siya. Hindi nanaman nasusunod ang mga pinlano niya noong una.

Rheign:

You don't want to see me ba? :(

Sahalip na malungkot ay mas natawa pa ako. Naiiling ako habang nagrereply sa kanya.

Me:

Silly, it's not that. Spend your holiday with your love ones nga eh.

Rheign:

But I love you. ☁💐

What's with the cloud and bouquet of flowers?

Me:

I know that. Pls, don't be a baby:<

Natawa nalang ako at nagout na sa messenger. Wala naman akong ibang kausap kung hindi siya. We also have a group chat for our not-closest friends, but they are too talkative and loud. Hindi ako makasabay sa topic nila.

Nanood nalang ako ng bagong anime movie. I don't have any plans for today, yes I'm bored pero tinatamad rin akong kumilos. Feeling ko ay ang bigat ng katawan ko ngayon na kahit lumakad papasok ng bahay ay hindi ko pa magawa.

Ganito ba kapag November 1?

Napailing nalang ako at nagconcentrate sa pinapanood. Actually, because of Rhea I've become a fan of anime movies. She introduced anime to me, at first wala akong maintindihan about doon sa movie dahil sa language at hindi ko talaga gusto ang ganon. Pero habang tumatagal, I realized that I already like it.

Mabuti na nga lang at hindi ako kinain ng buong sistema. Hindi ako dumating sa punto na nag cosplay at naglagay ng design ng mga anime characters sa kwarto!

"Ma'am, tawag po kayo ng Mommy niyo..." Biglang lumitaw si Maria sa aking tabi.

Tumango ako agad at sinabing magliligpit lang. Dala ko ang laptop at baso nang pumasok ako sa bahay. Nakita ko si Mommy na nakaupo sa harap ng piano at pumipindot ng ilang keys doon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti bago lumapit sa kanya.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon