Chapter 30

40.5K 683 129
                                    

BYAHE

"Tita Samantha!" Addie smiled happily when he saw me at their door.

Ngumiti si Clara sakin pag tapos ay sa lalaking nasa likod ko. Nang binalik niya ang tingin sakin ay tinanguan ko siya. Narinig ko pa siyang humagikhik bago umalis at bumalik sa kusina.

"Hello, baby..." I softly said.

Tumakbo siya palapit sakin kaya lumuhod ako at sinalubong siya ng yakap. I kissed his cheek and he hugged my nape.

"Where's your mom?"

"Work, tita..." Sagot niya.

Tumango ako nang humiwalay siya. Wala na sakin ang paningin niya kun'di nasa taong na sa likod ko na. I gulped before I stood up.

"Who is he, tita? Your boyfriend?" Inosenteng tanong niya.

Addie is a smart kid, I know that. Pero hindi ko inaakalang sa edad na ganito ay alam niya na ang salitang boyfriend!

"Ahh," I chuckled. "He just a... A friend, Addie..."

I heard Darius's scoffed. Sinulyapan ko siya at pinandilatan ng mata pero na kay Addler na ang tingin niya. Ngumiti siya kay Addie at ipinakita ang kamay na parang makikipag high-five.

"Hello, kiddo..." He huskily greet.

"Hello po, t-tito..." Nautal pa si Addie kaya napangiti ako.

Bahagya siyang lumapit kay Darius at tinanggap ang pakikipag apir nito. Bumalik din naman agad siya sa tabi ko na parang natakot.

Nagangat siya ng tingin sakin kaya tumango ako. "Tito has a gift for you," I said.

Nagliwanag agad ang kanyang mga mata at napatingin kay Darius. Hindi na ako nagtaka nung lumapit ulit siya kay Darius at excited na nagtanong. Walang nagawa iyong isa kun'di ang mangiti at mamangha sa kanya.

"Of course, tito and tita have a gift for you, kiddo..." Aniya bago ipakita ang paper bags na dala.

Napangiti ako. Kanina nung nasa toy's store kami ay bumili talaga siya ng sariling pasalubong para kay Addler kahit sinabi kong okay na iyong sakin. I'm sure Rhea would be angry if she found out that we're spoiling her kid.

"Toys!" Addie exclaimed.

"Addie..." I called.

Humarap agad siya sakin. Malaki ang ngiti kaya mas lalong nahalata ang pagkakahawig nila ni Archer. Nagniningning din ang malalim niyang kulay tsokolateng mga mata.

"Don't tell your mom we bought you a toys..." I laugh nervously.

"Why po?" Inosente niyang tanong.

"She will get mad, do you want your mommy to get mad?"

Umiling siya kaya humagikhik ako. Ramdam ko naman ang titig ni Darius sakin, pero mas pinili ko itong huwag pansinin.

"Good. You know, your mom hate spoiling you..." I chuckled.

"But she will notice my new toys, tita. Mommy is smart at observing things..." Nguso niya.

Tumuwid ako ng pagkakatayo at natawa. "Sabihin mo nalang hulog ng langit..."

Lalong ngumuso si Addie kaya ginulo ko ang buhok niya at bahagyang kinurot ang pisngi.

"What a bad influence..." Ngumisi si Darius.

Pinigilan ko ang mapanguso at inirapan nalang siya. Narinig ko ang hagikhik ni Addie na ngayon ay busy na sa paglalaro ng transformer na binili sa kanya ni Darius.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon