Chapter 9

36.1K 771 146
                                    


ULAN

"Samantha, mag dala ka ng payong at mukhang masama ang panahon..." Salubong ni Mommy sakin pagbaba ko mula sa kwarto.

Ngumuso ako bago dumungaw sa bintana. Ala sais na pero madilim pa rin ang langit, malamig rin ang hangin. Binalik ko ang tingin kay Mommy at pinagmamasdan niya lang ako ngayon.

"It'll be fine, Mom. Medyo maaga pa naman po kasi," sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Even so. Mas mabuti na 'yong handa..."

I sat in front of the big mirror while combing my hair. I was wearing casual attire because it's Friday.

"That's okay, Mom. Susunduin naman kami ni Mang Biste mamaya..." Pamimilit ko pa.

Nakita kong sumama ang tingin niya kaya ngumiti ako agad. Buti wala dito ang daddy, dahil siguradong kagagalitan ako non.

Lolo and my Dad have always been busy in these past days, lagi silang maagang umaalis dahil sinisimulan na ang construction ng itinatayong Hotel and Resort sa may Arkala. Kaya minsan ay hindi ko sila naaabutan, pero sa tuwing nauwi ako ay nandito naman na sila.

"Kumain ka na ba? Lucas is ready, ikaw nalang ang hinihintay." Paalala pa niya.

Tumango ako bago tapusin ang pagaayos sa buhok. I went to my Mom and kissed her cheek. Tulog pa ang Lola kaya hindi na ako nakapag paalam.

"May practice game daw kayo mamaya?" I asked my cousin who's busy on his phone again.

Tumango siya. "Yes, simula na. Malapit nanaman ang intrams..." Ngumisi pa siya.

"Really? Well, can I watch?"

"Of course, siguradong break niyo 'yon." Sabi niya agad.

Tumango ako bago lingunin ang bintana. Parang ang bilis ng araw, dati ay kasisimula palang ng klase tapos ngayon ay nagsisimula na ang iba't ibang programs and activities ng university. Nakakatawang isipin na sa sobrang daming bumabagabag sakin ay hindi ko na napapansin ang pagtakbo ng araw. But then, I realized that it was fine. Hindi ako nakakaramdam ng thrill, parang normal pa din ang lahat.

I found a few good friends in VVA. And there's more, I have a lots of enemies, maraming nagagalit at naiinis sakin because of that stupid asshole na nagsabing girlfriend niya ako.

Sabagay, madalas rin naman kasi nilang nakikita na magkasama kami kaya mas nagiging agresibo sila, kulang nalang ay hatakin ako sa buhok para lang makalayo ako kay Darius. We all know that he's one of the biggest jerk in the world kaya hindi niya man lang idenedeny ang balitang 'yon.

Parang gustong-gusto niya pa nga!

"Are you okay, Sam?" Napakurap ako agad at napabaling sa pinsan kong nasa labas na ng kotse.

Luminga-linga ako at doon ko lang napansin na nasa VVA na pala kami. Nagmadali akong bumaba bago ayusin ang sarili. Tumabi naman si Lucas sakin bago kami sabay na pumasok.

"Tulala ka?"

"Ahh, may naisip lang..." Napakamot ulo ako.

Narinig ko siyang ngumisi. "Girlfriend ka daw ni Darius?" Bigla niyang tanong.

Umiling ako agad at umismid. Totoo ngang may pakpak ang balita.

"No, I'm not..." Napailing ako.

"I'm warning you, Sam. 'Wag kang mahuhulog sa kanya dahil sigurado akong sasaktan ka lang non. As you can see, he is the well known playboy in the city." Naging seryoso si Lucas. "You are my cousin and he's my friend. I want to protect you, and this time, I won't tolerate him." Dagdag niya.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon