Chapter 22

30.3K 569 115
                                    

MOMMY

Nakakapagod.

Siyempre ikaw ba naman ang bumyahe sa loob ng mahabang oras, tapos tulog at kain lang ang gagawin mo. Dimwit, my butt and my back hurt even though I was just sitting.

"Argh! I hate jet lag..." Minasahe ko ang aking ulo at lantang gulay na lumabas ng sasakyan.

Kadarating lang namin dito sa Vigan at sobrang nakakapagod talaga. It's like I just want to sleep all day in my soft bed, cuddle with my pillow and feel the warmth of my comforter. 

"Go to your room, Samantha and rest..." Hindi na ako umapila kay Daddy at agad na akong pumanhik sa kwarto para makapagpahinga.

Matapos kong maligo ay sumampa na agad ako sa aking kama. I slept all day and when I woke up its already dark outside. Rinig na rinig ko ang mga tawanan na nanggagaling sa garden at alam ko na agad kung sino ang mga iyon. Saglit pa akong nanatili sa kama hangang sa naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura.

I yawned before got out of bed. Binuksan ko ang buong ilaw sa aking kwarto at napansin ko ang pag tahimik nila Lucas sa garden. Napailing nalang ako bago dumiretso sa banyo.

"Ang haba ng tulog mo, hija. Gutom ka na ba?" Tanong agad ni Nana Yena pag pasok ko sa dining.

"Opo, Nana..." Naupo ako at pinagmasdan siyang mag handa.

"Kamusta ang bagong taon mo? Nag enjoy ka ba?"

"Opo, masaya po kasama ang mga pinsan ko. We go to different places and celebrated new year with my whole family..." Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa namin.

"Mabuti kung ganon. Nakita mo rin ang tita Bea mo..."

"She's fun to be with. Gusto ko ulit siyang makasama." I chuckled.

Ngumiti lang si Nana sakin bago ilapag ang aking pagkain at maging ang inumin. Nagsimula na akong kumain habang siya ay pinapanood lang ako at minsan ay nag tatanong na sinasagot ko naman agad.

Nang matapos akong kumain ay napagdesisyunan kong pumunta sa office ni Daddy upang itanong ang bagay na matagal ng bumabagabag sakin. Ngunit hindi pa ako nakakatapat sa pinto ng office niya ay nakarinig na ako ng usapan na nakapag patigil sakin.

"— Samantha needs to learn early on how to handle our business, Elizabeth. Mas makakatulong kung doon niya na tatapusin ang kanyang pag aaral..." Rinig kong sabi ni Daddy.

Dahil may kaunting awang ang pinto ay rinig na rinig ko sila. I was just standing near the door while my back is against the wall.

"Bakit ba minamadali mo, Franz? Puwede namang kahit kapag natapos na ang second year—"

"Mas maganda kung doon na niya itutuloy ang pag-aaral, Elizabeth. She can study while supervising and managing our hotels in Spain."

"But my daughter is too young for that!"

"She's also my daughter! I'm doing this for her own good," depensa ni Daddy.

"Pupwedeng sila Beatrice muna ang mamahala doon, Franz. Hayaan mong mag desisyon ang anak natin..." Rinig ko ang mabigat na pag hinga ni Mommy.

"They also have a business to take care of. At oo, kukuhanin ko ang desisyon ni Samantha tungkol dito." Narinig ko na ang pag galaw ng upuan na parang may tumayo.

Kaya bago pa man nila ako maabutan doon ay pumihit na ako patalikod at dumiretso sa aking kwarto. I closed my eyes tightly as I slowly sat on my bed. What was that? Anong plano nila?

Ililipat ba ako sa Espanya? Kailan? Bakit? Fuck! Ang dami kong katanungan at gusto ko itong masagot lahat. Anong gagawin ko? Paano... Paano ko sasabihin kay Darius?

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon