Chapter 4

41.1K 911 199
                                    


DARIUS BRUCE MONTEJO


Nakalipas na ang isang linggo pero pinagpapahinga ko pa rin ang paa ko. Nang mismong araw na 'yon ay hindi ako nakapag enjoy sa Pinsal dahil sa nangyari sakin. Galit na galit din si Daddy nang umuwi ako at nakabalot na ng tela ang paa ko.

Umalis nang walang bangas pero pag-uwi naka wrap na ang paa.

"Lucas! Anong nangyari kay Samantha?" Unang tanong nito sa pinsan ko.

Si Mommy ay nagpakuha na ng first aid kit. Pinagsasabihan naman ni Lola si Lucas. I looked at my cousin, he smiled at me, like assuring it's okay. Nadamay pa tuloy siya.

"Dad, nadulas po ako. Napalakas ang tama ng paa ko sa bato. Don't blame Lucas, it was all my fault..." Ako na ang sumagot para maipaliwanag ko rin ang nangyari.

Ngayon ay nandito lang ako sa veranda at pinapanood ang tahimik na kalsada sa harap ko. Hindi muna ako pinayagan na sumama sa mga lakad nila Lucas at parang nawalan na din ako ng gana dahil sa Jamaica na 'yon.

"Stay away from Darius, i'm his girlfriend so back off! Dahil sayo ay hindi na niya ako napapansin, bago ka lang dito kaya wag kang pabida!" She said.

Huminga ako ng malalim at napailing nang maalala ang pinagsasabi niya nung araw rin na iyon. Para sa akin ay wala naman akong ginagawa, normal lahat ng mga kilos na ipanapakita ko. If she is mad because Darius' keeps on sticking with me, then tie him and put a sign board with "jamaica's property" engraved on it.

What a crazy girl.

Sabagay, hindi ko rin siya masisisi kung bakit galit na galit siya. Darius is all in, minsan lang siguro siya nakatikim ng ganon kaya hindi niya matanggap na iniwan na siya. And maybe she thought that I didn't know about their break up?

Honestly speaking, never pa akong nakipag-away dahil lang sa isang lalaki. I couldn't imagine myself being a war freak because of a boy. Babae ka, eh. Bakit kailangan mong ibaba ang sarili mo para sa isang lalaking halata namang walang pakealam sayo?

If a man truly loves you he will never let you beg for his attention, because he will give it to you whether you want it or not.

"Tulala?" Someone snapped a finger in front of me. Napatingin ako kay Lucas na kadarating lang. Umupo siya sa katapat kong upuan.

Umiling ako. "Wala, may naisip lang ako..."

"Tell me about it..."

Tiningnan ko siya. Kaibigan niya si Darius kaya sigurado akong marami siyang alam tungkol sa isang 'yon.

"'Di ba, you're close with Darius." Panimula ko.

Napatingin siya agad sakin. He tilt his head on the other side before grinning. Uminit ang pisngi ko. Baka isipin nito na interesado ako doon! Lalong uminit ang pisngi ko dahil sa naisip.

Bakit ka magtatanong ng tungkol sa kanya kung hindi ka interesado, Samantha?

Jeez!

"Hmm, why? You like him-"

"No way! I was just curious..." Depensa ko agad.

Tumaas ang kilay niya. Umirap ako.

"It's not like what you are thinking right now, come on..."

Ngumisi siya lalo "Well, Darius is a certified playboy..."

Kahit alam ko na 'yon ay hindi ko pa rin maiwasang magulat, lalo na at galing talaga sa kaibigan niya.

"I'd never seen him fall in love, though." Napailing siya. "For him lahat ay laro, pero siguro kapag tinamaan ang mokong na 'yon ay titino yon..." Ngumisi siya.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon