Chapter 17

35.3K 797 217
                                    


SUPPORTIVE

"Admit it! You were jealous!"

Sinundan at kinulit ko si Darius matapos ang pangyayari sa Gym. The man just keep on walking and ignoring me. Nakangisi ako habang tinutusok ang tagiliran niya.

"Darius Montejo is jealous!" I blurted out and laugh.

"Shut up, Sam..." He hissed.

Ngumisi ako. "Nagseselos ka nga?" Tanong ko pa.

"No, I'm not." Seryosong aniya bago kami makapasok sa loob ng cafeteria.

Hindi ko rin alam kung bakit kami nandito, pero bahala siya. Hindi pa siguro siya kumakain. I want to smack his head right now, tho. Hindi daw nagseselos! Pero kanina "Lumayo ka sa kanya o I will do anything just to give him a nightmare."

HA!

Natahimik ang mga tao sa loob nang pumasok kami. Nagsimula na ang bulungan at tinginan samin. Pasimple nalang akong umirap bago samahan si Darius na umorder.

"What do you want?" Tanong niya na sigurado akong rinig sa buong cafeteria dahil sa katahimikan dito.

Kunot noo akong tumingin sa mga pagkain bago umiling. Katatapos ko lang naman kumain bago ako pumunta sa Gym kanina.

"I'm already done," sabi ko nalang.

Tumaas ang kilay niya at sumulyap sa tiyan ko. Nanlaki tuloy ang mga mata ko at mukhang alam ko na ang iniisip nito!

"That was just an alibi..." Ngumisi ako.

Tumaas ang kilay niya. "What?" He asked, suppressing a grinned.

Ngumuso ako at biglang pinamulahan ng mukha. Baka isipin nito ay masyado akong kabado sa presensya niya kanina. Na masyado akong takot para magalit siya sakin. Umiwas ako ng tingin at wala sa sariling itinuro ang chocolate cup cake.

Tumukhim ako. "Gusto ko na pala nito, ito nalang..." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Ngumisi siya bago lumapit sakin kaya natulos ako sa aking kinatatayuan. Lalong natahimik ang mga tao sa cafeteria at parang movie sa sinehan ang pinapanood ngayon. Bahagya siyang tumungo upang magtapat ang aming mukha at lumapit para bumulong sa aking tenga.

Nanlalaki ang aking mga mata habang pinapakinggan ang mahina at paos niyang boses na nagsasalita malapit sakin.

"Why do you have to make some alibi if you can tell him the truth?" Nagsitayuan ang balahibo ko sa aking batok.

"Next time, sabihin mo na may importante tayong gagawin, hmm?" He let out a chuckled and tap my back bago siya umayos ng tayo.

Ano daw?! The nerve of this man.

My gosh, ano nalang ang iisipin ng mga tao kapag ganon nga ang sasabihin ko? Ang sumama pa nga lang sa kanya ay madami ng nagkakagulo, iyong ganon pa kaya? 

Nahihibang ata siya.

"Manahimik ka nga! Ewan ko sayo!" Asik ko sa kanya nang makabawi.

Sa huli ay binilhan niya ako ng chocolate cup cakes. Hindi ko talaga alam kung bakit walang hiya 'tong si Darius. Sabagay ay kilala naman na siya dito, halos sambahin na nga siya ng mga taong nakakasalamuha niya. Mas lalo naman ang mga babaeng umaaligid sa kanya.

"You will play because you all want a good experience. Huwag niyong isipin ang mga makakalaban niyo. Just concentrate to your skills, dahil naniniwala akong pag nagawa niyo iyon ay magiging madali na ang lahat." Pampalakas loob ni coach Perez sa isang hapon matapos naming magtraining.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon