Chapter 33

35.2K 666 49
                                    

PURSUE


Galit at poot.

Iyon ang dalawang emosyon na nakita ko sa kanya matapos marinig ang sinabi ko. I lowered my head, avoiding his gaze because it was so intense. Mas lalo lamang akong naiiyak at nasasaktan sa tingin niya.

Ayos lang kahit hindi siya maniwala. Ang mahalaga ay nasabi ko ang lahat ng hinanakit ko. We're not teenagers anymore, madami na ang nagbago. Sa tagal ng panahon ay hindi na ako magtataka kung iisipin niyang sinungaling ako.

"K-Kaya wala kang karapatan na gawin 'to sakin, Darius..." Paulit-ulit akong umiling.

"Hindi ko m-maintindihan kung bakit kailangan ganito. All I want is you...to be h-happy." Humikbi ako.

"What... W-Why..." The only words that came out from his mouth.

Nagangat ako ng tingin sa kanya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na mapigilan ang magsalita.

"A-Alam ko kung gaano mo kagusto na makasama ang mommy mo, Darius. Alam ko kung gaano mo hinahangad ang pag aalaga niya..." Lumuluhang sabi ko sakanya. "Kaya sino ako para pigilan ka sa b-bagay na 'yon?"

His reaction was hard. Jaw clenched, almost pitch black eyes and dark aura. I knew he was mad. Hindi ko nga lang alam kung sakin ba o...

"W-We shared a lot of things, Darius. Even in a short period of months, I have memorize your emotions, I know you so well," lumunok ako para maalis ang bagay na nakabara sa aking lalamunan. "Kaya noong s-sinabi sakin ng Mommy mo na layuan ka, w-wala na akong nagawa..."

"Kasi nasa isip ko na oras na 'yon para mag kaayos kayo..." I saw unshed tears in his eyes.

"Even though I knew I would be hurt. Even if it's hard... E-Even though I love you..." Narinig ko siyang suminghap.

Kitang-kita ko ang panghihina sa kanya. Humakbang siya palapit sakin at hinaplos ang braso ko pababa sa aking kamay at hinawakan iyon. Wala na akong nagawa kun'di hayaan iyon dahil kahit ako, nanghihina na din. Parang gusto ko nalang maupo o mapaluhod dito sa sahig.

"S-Sabi mo mahal mo din ako..." Pumikit ako ng mariin. "Sabi mo ako lang m-mahal mo..."

"M-Mahal kita, Samantha—"

"Liar! Ikakasal ka na!" Hinampas ko ang dibdib niya.

"N-No, no Sam..." He whispered against my ear.

"Sinungaling! Your mother told me!"

Umiling siya. "No, baby... B-Believe me, please..."

"S-Sabi niya alam mo 'yon! Ano 'yon habang kasama mo ako dati ay tinatali ka na pala sa iba? Ha?!" Tinulak ko ang dibdib niya pero hindi man lang siya natinag.

Umigting lalo ang panga niya at sunod-sunod na umiling. "I never lied to you, Sam. You know that, baby..."

"Liar!"

"You are the one who lied, Samantha." Halos pasigaw na niyang sinabi iyon.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "I DON'T HAVE A CHOICE, Darius!" Gusto kong iparating sa kanya na mali ang iniisip niya.

"B-But you promised, Sam. You will stay no matter what..." Napayuko siya.

"T-That was a fight between what I want and your mom, Darius. Of course, I fucking chose the latter! Ina mo 'yon, eh! mahal mo siya... That's your happiness! W-Wala akong puso para pigilan ang kasiyahan mo. Y-You think that's easy, huh? Choosing between my own sake and to your mom? NO!" 

"Gusto ko lang na maging masaya ka! Kahit na ang kapalit non ay ikakasira ko! Kahit na sobrang sakit sakin... Kasi gusto ko masaya ka..."  

Nakita ko kung paano lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Lumaglag ang aking panga. Mas lalo akong nanghina dahil sa nakikita ko ngayon. He's crying!

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon