Chapter 3

40.7K 1K 282
                                    


STUBBORN


After the game we decided to go home. lunch time na din kasi. Tahimik kaming lahat sa byahe pauwi, they both looked annoyed so I refused to talk.

Pinagiisipan ko kung anong kinaiinis at kinagagalit nila. Nanalo naman sila sa laban kanina. And that's what the players wants, to win. Wala din naman akong ginawa, sinunod ko ang sinabi ni Darius na BEHAVE!

Pasimple nalang ako umirap bago humilig sa back rest ng upuan. I massage my temple and silently sighed heavily. I can still imagine the looks of those men earlier, nakakatakot.

"Are you okay, Sam?" Tanong bigla ni Lucas.

Tumango ako habang hindi nakatingin sa kanila. Parang gusto ko nalang magkulong sa kwarto at matulog.

"You hungry?" Darius suddenly asked.

Hindi ko inaasahan.

Doon ako napatingin, nag tagal ang titig ko sa kanya bago ako tumango. Seryoso pa din siya at kuyom ang panga.

"Ano bang problema niyo? You looked mad and—" Natigil ako sa pagsasalita nang sumulyap si Darius sakin gamit ang matalim na mga mata.

Para akong kuting na nanahimik dahil sa tingin niya. Wala akong nagawa kundi ang itikom ang bibig. Nakahilig lang ako sa backrest ng upuan hangang sa makarating kami sa bahay. Nagulat pa ako nang sumalubong samin ang mga babaeng kaibigan nila Lucas at nandon rin si Jayson pati ang girlfriend ni Darius.

Wait, is she still Darius's girlfriend? Ahh, Never mind.

"Hello, Sam!" Bati ni Jayson nang makita ako.

I nodded and smiled at him "Hello! hindi kita nakita sa plaza?"

"Hindi ako kasali sa tournament ngayong taon..." Sagot niya.

Napa 'Oh' look ako sa kanya bago magpaalam at dumiretso na papasok ng bahay. Nag simula na silang magkwentuhan at batian doon. Nakita ko pa ang matalim na tingin ni Jamaica sakin bago balingan si Darius na kausap ni Jayson ngayon ngunit sa akin nakatuon ang pansin.

"Samantha..." Bungad ni Daddy nang makapasok ako sa bahay.

Nanlaki ang mga mata ko. "Dad!"

"Where have you been?" Tanong niya agad.

Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi. Ganon rin kay Mommy, Lolo at Lola. They're talking about something ata na naistorbo ko dahil sa aking pag dating.

"Sumama po ako kila Lucas sa plaza..." Sagot ko.

"Kila?"

"Darius and Lucas, Dad." Kalmado kong sabi.

Nakita ko ang pag taas ng kilay niya. Napatingin naman sakin si Mommy.

"Kailan mo pa nakilala si Darius?" Tanong nila.

Napaisip naman ako. Well, I met him at lola's birthday party. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.

"Uhm, noong birthday ni Lola. Nakilala ko siya dahil kay Lucas," Panimula ko. "But I'm not interested with him..." Advance na sabi ko pa.

Baka mamaya ay kung ano-ano nanaman ang isipin ng mga 'to. Nako mahirap na, baka ma-misunderstood pa nila. Kaya habang maaga pa, linawin na!

Tiningnan nila ako ng mabuti pero ngumiti lang ako. I stood up and went directly to the kitchen. I saw Maria there, cooking.

"Good afternoon, Ma'am!" Bati niya.

Ngumiti ako "Ang bango naman, ano 'yan?" Tanong ko at tumabi sa kanya.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon