Chapter 8

36K 828 58
                                    


PIANO


Tulad ng ipinangako ko sa lalaki ay lumabas kami nang matapos ang klase. We decided to go to the plaza dahil doon ang maraming nagtitinda ng mga street foods. I'm excited lalo na't unang beses ko itong pupunta doon.

Ngayon ay pinapanood ko siyang iparada ang kanyang kotse. Nang matapos ay sabay kaming lumabas at pansin ko agad ang dala niya.

"Wear this..." Sabi ni Darius sabay abot sakin ng kanyang black jacket.

Ngumuso ako bago tanggapin iyon, his manly scent is very addicting. I suddenly want to hug my body para dumikit sakin ang amoy niya. Hmm, parang gusto ko tuloy humingi ng pabango niya.

"Anong pabango mo?" Tanong ko habang lumalakad na kami.

Sinulyapan niya ako. "What kind of question is that..."

"Sagutin mo na lang!"

"Wala..." He chuckled.

"Pwede ba 'yon? Eh, ang bango mo kaya." I unconsciously said.

"Really, huh?" Ngisi niya at tumigil sa paglalakad, ganon din ako.

I felt the heat on my cheek so I avoided his gaze but he touched my chin and lifted it to make our eyes lock again. He then tilted his head.

"Am I?"

"W-Well, yes..." I can't lie.

"Ah-huh?"

I pouted and nodded. Ngumisi siya at tinanggal ang kamay sa baba ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Maraming tao ang nandito sa Plaza pero hindi naman siksikan, puno din ng usok ang buong lugar, may rock music pang tumutugtog.

"Doon! Gusto ko 'yon!" Tinuro ko ang barbeque stall.

"Mamaya na 'yan, kumain muna tayo doon..." Sabi niya at hinigit na ako sa isang kainan. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan siya.

Sa labas na kami naupo at nakapag order na rin siya. Ang liwanag ng buong paligid dahil sa mga ilaw na nakasabit. Meron ring fairy lights sa mga puno. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang order naming sinigang, grilled pork, sisig at kanin. He also ordered for our drinks.

"Ganito talaga dito?" Tanong ko habang nakain.

Everyday ba may ganitong ganap dito? Kasi kung oo, baka dito na ako makita tuwing pag tapos ng klase.

"Every monday, wednesday, friday and saturday lang..." Sagot niya naman.

Napatango-tango ako. Sayang. Akala ko everyday.

"Why?" He suddenly asked.

"Hmm, wala naman..." Ngumisi ako.

Hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. He was again staring at me with those intense eyes. Tumaas ang kilay ko.

"Ano?" I asked and wiped my mouth using a tissue.

Umiling siya pero nakatingin pa rin sakin. Wala sa sariling kinapa ko ang mukha ko.

"M-May dumi ba?"

Umiling ulit siya kaya ngumuso na ako.

"Tsss... don't look at me, Ruru. Baka hindi mo 'ko makalimutan niyan..." Biro ko bago uminom ng juice.

Doon siya ngumisi at nagbaba ng tingin. Akala mo ha! Kaya ngayon ay ako naman ang nakatingin sa kanya. Kitang kita ko ang makapal at mahahaba niyang pilikmata dahil bahagya siyang nakayuko sakin. That's one of the assets I want from him.

Lihim akong napangiti at umayos ng upo. Susubo na sana ako nang may tatlong babae ang tumayo sa gilid namin. Umangat ang tingin ko, pare-pareho silang nakatingin sa kasama ko na walang pakeng nagpapatuloy sa pagkain niya. They are all familiar to me, nakita ko ata sila kanina sa school o noong enrollment.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon