Chapter 35

39.5K 716 47
                                    

SINUNDAN

"Nandoon pa din po ba si Manang Lila sa laguna, mommy?"

[Ang alam ko ay nasa laguna pa din sila, pero wala na doon sa dati nilang bahay...] Sagot naman ni mommy mula sa kabilang linya.

Napanguso ako. "Thanks, mom. Actually, I was planning to go in Laguna right now..."

Ilang saglit na nanahimik ang linya bago ulit siya nagsalita. [I heard what happened yesterday, maayos ka naba? Tapos ngayon ay aalis ka, siguradong tirik na ang araw.]

"I'm perfectly fine, mom..." Someone took care of me.

Napatikhim ako at napailing sa sarili dahil sa naisip. Dammit, really Samantha?

Huminga ng malalim si mommy. [Take care, darling. Tatlong araw nalang ay gaganapin na ang anniversary party dito sa Ilocos. Make sure you will go here.]

"Of course, mom..." Napangiti ako.

[I'll hung up now, be safe.]

"Yes po, I love you..."

[Love you, darling...] With that the call immediately ended.

Napahinga ako ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok. Ngayong araw ay aalis ako para pumunta sa dati naming tirahan sa Laguna. I will also stay there for two days. I really miss Manang Lila so I want to visit her.

Buti nalang talaga at hindi ibinenta ang mansyon namin dati. Sabagay, ang bahay na iyon ay nagkaroon ng malaking parte sa buhay namin. Saksi 'yon sa mga naging problema, sa bawat pagsubok at sa bawat saya na dumaan sa pamilya namin.

"I'm leaving now, tío..." I kissed my uncles cheek for goodbye.

"Take care..." Anila tío Felipe at tío Esteban.

Tumango nalang ako bago tumalikod at lumabas na sa aming suite. I didn't bring my dogs because after my stay in Laguna I will go to Ilocos for the party. At natatakot din ako na baka hindi sila masanay doon. Baka sira na ang air con sa kwarto ko dati, kawawa naman sila kung maiinitan.

Dumiretso ako sa bago kong kotse. Yes! Nakuha ko na ang bago kong sasakyan, akala ko nga ay aabutin ng isang araw o higit pa ang proseso non pero nagulat ako kinagabihan ay may tumawag sakin at sinabing nadeliver na ang kotse ko.

Of course my cousins and uncles, especially my parents were shocked! My mom is like...

"Are you serious, Samantha?! Bumili ka ng milyones na kotse na parang bumili ka lang ng isang candy?"

Napanguso ako nang maalala iyon. Buti nalang at wala na si Darius kagabi, ayokong makita niya akong masermonan dahil lang sa kotse!

I was humming a song while driving. Hindi ko sinabihan si Darius tungkol dito sa lakad ko dahil parang hindi naman na kailangan 'yon, at wala talaga akong balak ipaalam sa kanya.

Dumaan muna ako sa Calamba mall para bumili ng onting pasalubong, bumili rin ako ng pagkain para sa mga anak at apo ni Manang Lila. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita ko na ang malaking gate ng aming mansyon. Pansin kong naging kulay itim na ito dahil mukhang pinalitan na.

Isang beses akong bumisina bago iparada ang kotse sa labas ng gate at bumaba ng sasakyan.

"Manong...." Tawag ko sa isang matanda na naglilinis sa tapat ng gate.

Tumigil ito sa ginagawa at umayos ng tayo. "Ano 'yon, hija?"

"Alam niyo po ba kung saan na ngayon nakatira si manang Lila?" Tanong ko at sumulyap sa mansyon.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon