"Warm coffee in a cup made of clouds for Ms. Skye!"
Napalingon ako sa counter ng marinig ko ang sigaw ng barista, nahihiya akong lumapit pero wala naman akong ibang kasama para kumuha nung binili ko kaya nilakasan ko nalang ang loob ko at nagsimulang maglakad.
"Ms. Skye po?" Tanong ni Ate Barista.
Tumango ako at nilaro ang mga daliri ko habang hinihintay na ibigay nya ang kape na binili ko.
"Thank you po. I hope to see you again here in Cloud Cafe, Have a great day Ma'am, Enjoy!!" Masiglang bati ng barista na tinanguhan ko lamang at binigyan ng tipid na ngiti.
Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa aming bahay. Kakatapos ko lang mag-jogging kasama ang aso kong si Dally.
Hindi ko alam kung mahiyain akong tao o hindi ko lang talaga kayang walang kasama, kahit sa pagbili sa tindahan o pagkausap sa ibang tao ay wala akong lakas ng loob.
Hindi ko gustong isama si Dally pero sya lang ang pwede kaya napilitan ako. Hindi ko naman pwedeng gisingin ang Mommy dahil ayaw nyang ginigising siya kapag natutulog kaya hindi nalang din ako nagpaalam.
Sigurado naman ako na tulog pa si Kuya dahil puyat sya kagabi kakasayaw, ang ingay pa nga eh. Nahihiya rin akong magpasama kay Ate Tess kahit alam kong maaga siyang nagising para maglinis ng bakuran at noong naabutan kong tumatakbo takbo si Dally ay sya ang naisipan kong isama. I don't want to be alone.
Lumabas ako sa Cloud Cafe at tumingin sa langit, "Good Morning" bulong ko at ngumiti. Besides this, I only had earphones in my ears always turning up the volume but I'm not a nerd, it's just normal sa 'kin 'yung ganito. Tahimik, solo at walang kinakausap. Nasa sarili kong mundo.
There's always a fine summer vibe tuwing sabado ng umaga at maagap ako nagising kaya I went out for a run. Ang ganda ng langit ngayon, maaliwalas tingnan at nakakaganda ng araw.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hawak hawak ang tali ni Dally hanggang sa makauwi ng aming bahay. Madalang akong lumabas ng bahay dahil wala rin naman akong ibang pupuntahan kaya I'm sure magugulat si Mommy kapag nalaman nyang lumabas ako sa umaga.
"Darling, good morning saan ka galing? Nagulat ako dahil wala ka sa kwarto mo akala ko nawawala ka na tapos nakita ka naman daw ni Aling Loring sa kanto naglalakad ka raw kasama si Dally, saan kayo pumunta?" Sunod sunod na tanong ni Mommy nang makita ako na pumasok sa pintuan. Gising na pala sya.
Kung ano ang kina-daldal ni Mommy ay 'yun naman ang kina tahimik ko sa pakikipag usap sa mga tao.
"Uh, nagjogging lang po" Tipid na sagot ko at inalis ang tali ni Dally sa kanyang katawan. Tumakbo agad si Dally nang maalis ko na ang tali sa katawan niya.
Huminga ng malalim ang nanay ko tapos lumapit sya at niyakap ako "Big girl na talaga Nathaly namin, kamusta pag-jogging nyo? May nakilala ka ba o may naka usap? Hmm?" Tanong nya.
Ngumiti ako at sumagot, "Bumili lang po ako ng kape tapos umuwi na rin. I don't want to go alone so I brought Dally with me." Iwas kong sagot sa tanong nya dahil ayokong ma-disappoint ang nanay ko knowing na wala akong kaibigan dahil inunahan na naman ako ng hiya sa pakikipag usap sa mga tao.
It's like this every day, hindi ko rin alam kung bakit ako mahiyain, siguro natatakot lang ako na ma-judge ng mga tao sa konting galaw ay baka hindi nila ako magustuhan at sila mismo ang umiwas sa akin but it's not as easy as it sounds for me, sobrang hirap mag first move.
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud
Teen FictionA transferee in their university and the president of their class. After their project together, Miko intended to help Skye on stepping out of her comfort zone. One day, they realized that they are already falling and just like from a movie, their r...