4⛅

117 5 0
                                    



"Did you learned something today?" Tanong ni Prof. Makaleña.


Parang ang bilis naman ata ng daloy ng klase at parang isang iglap ay tapos na siya mag turo, parang magugustuhan ko 'tong subject na ito, ah!


"Yes, sir" Sagot ng karamihan.


"By the way, who's our transferee nga, class?" Tanong niya ulit.


Shit! Ako 'yon.


Napapikit ako ng mariin bago tumaas ng kamay, "Ako po"


"Ah yes Ms? Ano nga ulit apelyido mo?" Tumingin siya sa akin at nagtanong....ulit.


Grabe ang daming tanong, nakakakaba!


"Chandler, sir. Nathaly Chandler" Tumingin ako sa kaniya at sumagot.


Medyo confident akong sumagot kasi siyempre name lang naman ang tinanong pero kahit papaano ay parang mamamatay ako sa kaba!


"Ms. Chandler I forgot to tell you that every week we have an activity, It could be research, presentation, calculation, live debate and marami pa, kung ano ang maisipan ko. I'm telling you this because for this week's activity, you will work in pair." Pag e-explain niya.


Parang ang sosyal naman dito, ang dami agad activity. Sana makapagpahinga pa ako. Pero teka...pair?!


Unang activity pair agad, eh, si Miko lang kilala ko dito? Mukhang masusubok ako sa pagpapakilala, ah.


Ay! Makakatulong pala siya para masanay ako kumausap ng iba...pero si Miko pa lang ang kilala ko, paano na?!


"Huwag na kayong mamili dahil kung sino ang katabi niyo ay iyon ang kapartner nyo. Ayokong makarinig ng reklamo ha, college na. Masanay kayo sa ganito." Pangunguna ni Prof. Makaleña dahil marami agad ang nagbulungan na kesyo magkapartner daw sila or whatsoever.


Tumingin ako sa kanan ko na...pader.


Pader ang katabi ko... so pader ang kapartner ko o 'di kaya si Miko?


Tumingin naman ako sa kaliwa at sakto, nakatingin sa akin si Miko.


"Uh...hi?" Awkward na bati ko.


Ngumiti naman siya bago sumagot, "Hi, partner."


Ano ba 'yan! Nung isang araw Ms. Chandler, kahapon naman ay Skye, kanina ang tawag sa akin ay seatmate tapos ngayon naman ay partner?! Nakangiti pa siya na hindi mo alam kung nang-iinis or ganun ba talaga ang natural smile niya, eh.


Ang weird.


"Both of you will work for a research about our topic for this week. Siyempre may itinuturo ako sa inyo pero hindi pwedeng ako lang, mag research kayo para mas matuto at mas lumalim pa ang kaalam ninyo gamit ang sariling kaalaman." Pagpapaliwanag ni Prof. Makaleña ukol sa gagawin naming research.

Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon