"Pero g ka bukas? Linggo naman, please." Pinapakinggan ko ang voice message na sinend ni Cheska sa gc namin.
Kanina pa niya ako kinukulit na magkita raw kami bukas dahil Linggo naman. Kanina pa rin siya nagsesend ng voice messages dahil tinatamad daw siya mag type habang ang mag jowang si Faye at Kiko naman ay magkasama kaya si Aniella nalang ang nag rereply at nakikisabay kay Cheska sa pag aakit.
Sobrang sanay na ako sa presensya nina Cheska. Palagi kaming magkasama sa school pati na rin sina Faye at Kenji. Kapag aalis sa school ay sabay sabay kaming bumibili sa tusok tusok. Hinahanap hanap ko na nga sila minsan, eh. Alam kong mabilis pero ewan, eh. I feel safe when I'm with them. Mag iisang buwan na rin ako dito.
Hindi naman na ako nagulat nang makita kong magkasabay agad pumasok si Aniella at Cheska after nilang magkakilala, halos tulad sila ng ugali, eh. Match na match nila ang isa't isa kaya alam ko rin na magkakasundo sila and it worked. After a week nung nagkakilala sila ay nag gawa agad sila ng group chat.
We are now friends...the four of us.
Masaya naman ako dahil habang tumatagal ako dito ay mas nagiging maganda ang pag aaral ko. Marami na rin akong nakilala bukod sa kanila and I'm used to it. I can say na sanay na ako, konti nalang talaga.
Si Aldrin ang kasama ko minsan kapag hindi ko makasama si Cheska dahil hindi kami tulad ng schedule. For me... medyo close na kami... he's so comfortable around me and I kinda feel the same around him. He's a close friend.
Si Miko naman ay madalas ko rin nakakausap. Kapag may itatanong ako ay hindi na ako nag aalinlangan na magtanong sa kaniya, I guess his stay in our house made me very comfortable around him. Pero pagkatapos noong research namin ay hindi ko na ulit siya nakasama. Hinahanap nga siya minsan ni Mom, eh!
Tinamad na rin ako mag type kaya nag send nalang din ako ng voice message sa group chat, "U-uh hello? okay na ba 'to? Hi... di ko pa sure Cheska" Biglang hindi maipinta ang mukha ko nang marinig ko ang vm, sobrang cringe!
"Thally ikaw ba talaga 'yan? wow nag v-vm ka na, ha!" Agad kong nilayo ang cellphone sa tainga ko nang marinig ang vm niya, sobrang lakas niya kasi tumawa.
Mag rereply sana ako ngunit nagsend naman si Faye ng video. Video nila ni Kiko pero si Faye lang ang umiimik ng 'Thally, ang hindi sumama pangit' tapos pinakita si Kiko na nakahiga sa tabi niya at naglalaro? Hindi ko sure pero hawak cellphone, eh.
Cheska: Nathaly sumama ka na sabi mo free ka?
Cheska: At ikaw Aniella Faye please lang araw araw na yata kayong magkasama niyan ni Kenji ang sakit nyo sa mata!
Aniella: Sorry
Aniella: Sorry kasi walang may pake
Natawa naman ako sa mga sinasabi nila at bumaba muna para magpaalam kay Mommy. Syempre gusto kong sumama pero dapat alam ni Mommy, ayokong tumakas 'no!
"Mom, pwede po ba akong lumabas?" Simula ko nang makita siyang naglalaro ng paborito niyang Candy Crush sa sofa. Sinabi ko na nang diretso para hindi ako mahalataang kinakabahan.
Nakita ko namang pinause niya ang kaniyang laro at tumingin sa akin, "Nathaly?! Ikaw ba 'yan?" pagbibiro niya bago lumapit sa akin at hinawakan pa ang mga braso ko.
Napakamot nalang ako sa ilong bago tumango sa kaniya. "Uh... Inaakit po kasi ako nila Cheska"
"Sure! You should go. Nag message nga pala sa akin si Aniella kanina pa, nakalimutan ko palang sabihin sa'yo birthday daw noong pinsan niya 'di ba? Ipinagpaalam ka na, eh" Sabi niya na ikinagulat ko kasi hindi ko naman alam na sa birthday ng pinsan niya kami pupunta?!
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud
Roman pour AdolescentsA transferee in their university and the president of their class. After their project together, Miko intended to help Skye on stepping out of her comfort zone. One day, they realized that they are already falling and just like from a movie, their r...