10🌥️

108 6 1
                                    



"Two Americano, One Cloud Cappuccino and One Pumpkin Tea Latte for Mr. Zane" The Barista said. Napalingon ako sa mga kaibigan ko na pasimpleng tumatawa. 


Hindi naman ako umorder pero bakit natawag ang pangalan ko?


"Bro, order mo raw" Andy said. Nagtaka naman ako dahil hindi naman ako umiinom ng kape.


"Hindi ako umorder." I said, looking at them seriously. 


Ah! These fuckers bought an Americano, capuccino and latte then named it after me. 


Naglabas ako ng middle finger bago tumayo at pumunta sa counter. Kukunin ko nalang tapos ibibigay ko sa iba, bahala sila diyan.



"Mr. Zane po?" The barista asked and I nodded as response.


May tinype pa siya bago sabihin kung magkano. Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko na nagtatawanan. Mga buraot talaga. 


"Thank you." Nagpasalamat ako bago dire-diretsong lumabas sa Cafe at iniwan sila. Ibibigay ko nalang 'to sa makikita kong kakilala ko sa daan. 


Humabol naman ang mga kaibigan ko sa akin at tinapik ang braso ko, "Si Peter at Jeffery ang nag suggest noon Miko, labas ako diyan, ha" James said. Play safe amp, eh, siya 'yung mahilig sa latte. 


Sabay sabay ulit kami pumasok at ang agap namin ngayon kasi napaaga masiyado manundo 'tong si James. Dumiretso muna kami sa Clouds Cafe dahil malapit kila Peter 'yon, ang huling sinundo namin. 


"Last na 'to, mauubos pero ko sa inyo. Hindi ko naman kayo palamon." Binigay ko na rin ang mga binili nila sa kanila, kakaawa, eh. Wala pa raw silang breakfast, amp. 


Para naman silang mga bata nang ibigay ko na ang mga inumin nila. Niyakap pa ako ni Peter, parang siraulo. 


"Tsk" Nilayo ko siya sa akin dahil ayaw ko nang masiyadong clingy. Ang init init tapos yayakap siya, matapos nila akong pagbayarin nung mga kape nila. 



"Mr. Faller" Tinawag ako ni Mrs. Grace bago ako makapasok sa building namin. Ilalagay ko sana ang bag ko sa room nang tawagin niya ako. Naghiwa-hiwalay na rin kaming magkakaibigan dahil iba iba kami ng building. 


Engineering si James, Jeffery at Peter while Architecture si Tony at Pharmacy naman si Andy. Kami ni Aldrin ang magkasama sa iisang building. Hindi lang namin siya nakasabay ngayon dahil kasabay niya raw kapatid niya.


Lumapit ako kay Mrs. Grace dahil tinawang niya ako. 


"I have an urgent meeting, can you give this schedule to Ms. Chandler? She's our transferee. After that, i-tour mo siya sa buong University kapag free ka. Thank you." She said, giving me the hard copy of Ms. Chandler's schedule. 


Chineck ko siya and we have the same schedule. Mukhang makakasama at makikita ko siya araw araw, exciting. 

Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon