I woke up really early in the morning, 5 am palang gising na ako. Sinabi ni kuya na dapat daw 8 am ay ready na ako at naka handa na ang mga gamit ko.
Hindi na ako natulog ulit dahil baka malate na ako ng gising, mas mabuti na 'yung maagap kaysa late. Naghilamos ako at ginawa ang aking morning routine bago bumalik sa aking higaan.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll scroll nalang muna, pampalipas din ng oras. Nagulat ako ng mapansin na may message request ako na hindi ko pa nabubuksan.
Aldrin Vince Reyes wants you to accept his message request.
Accept // Delete
Nagulat ako dahil 1 day ago nya pa pala ako ini-invite sa group chat. "Hala gagi one day ago pa pala 'to nakakahiya kasi hindi ko agad nakita" I said feeling a little anxious kasi baka magalit sila dahil pinag hintay ko yung message request nya.
Pinindot ko 'yung ACCEPT at nakita ko ang mga messages nila.
President Miko: Agapan n'yo bukas, may transferee tayo.
Aldrin: Yes boss Miko. Na-add ko na siya.
Cheska: Omg! Sana makaclose natin agad.
Sexytary Faye: Ikaw pa ba cheska, ang daldal mo eh HAHAHA.
President Miko: Sige na, matulog na kayo. Ang ma-late bukas ililibre ako HAHAHAHA
Kisha: Ang daya, ako rin dapat.
Cheska: Me too!
Aldrin: Good night sa inyong lahat, see u tom!!
Yesterday 10:10 pm
Seen by: President Miko, Kisha, Sexytary Faye and 17 others
Marami pa akong nabasa na about sa akin na kesyo sana raw mabait, sana nagpapa-kopya, sana mayaman, sana hindi raw kj. Napatawa nalang ako nang mabasa ang mga sinabi nila. Pero at the same time napressure kasi di pa nila ako nakikilala tapos nag e-expect na agad sila. Hindi ko naman sila masisisi dahil baka gusto lang nila ako makilala agad.
"Mabait sila Skye, huwag kang kabahan" Pagpapalakas ko sa sarili ko.
Grace Fortunado sent you a message.
Grace: Hi Nathaly, Good morning. I am Mrs. Grace, your counselor this whole year. After your Monday ceremony, can you go to my office at the faculty and get your schedule? Thank you!
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud
Teen FictionA transferee in their university and the president of their class. After their project together, Miko intended to help Skye on stepping out of her comfort zone. One day, they realized that they are already falling and just like from a movie, their r...