9⛅

90 5 0
                                    




"You can bring your friends...I already invited Cheska, pupunta raw siya." Umimik ulit siya after a long silence.


Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. I did not expect that... ini-invite niya ako sa birthday niya? Kelan ba 'yon?


"When?" I simply asked, wala pa akong alam sa about sa kaniya.


"After exam pa. May time ka pa para mag decide" Ngumiti pa siya pagkasabi. Bakit ang cute ng dimple niya, nakakainis!


Tumango nalang ako at kinain ang kikiam na binili ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa uniform niya na may kalat ng sauce, ang pangit tingnan sa uniform niya.


"Labahan ko uniform mo?" I suggested, nakakaguilty pa rin kasi. "I insist."


"No, ayoko." He said. "Tara na" Binago pa ang topic. Gusto ko talagang labhan para naman maalis sa isip ko 'yung guilt, nakakainis kasi bakit ko ba naitapon 'yung sauce sa uniform niya.


Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya. Tinapon ko rin 'yung paper cup na nilagyan ko ng kikiam nang maubos ka na itong kainin.


"Hatid na kita?" Sabi niya at doon ako nakaisip ng paraan para mapapayag siya na labhan ko ang uniform niya. 


"Papasundo nalang ako." Siyempre, pakipot muna. Ayokong biglang pumayag, baka isipin niya na gusto ko rin. 


"Okay." Shit. Akala ko naman pipilitin niya ako, amp!


Umuna ako sa paglalakad, nakakainis! Hindi gumana 'yung plano ko. Pakipot pa kasi, Nathaly!


"Saan ka pupunta?" Mabilis niya akong hinabol. Nagulat nalang din ako nasa tabi ko na siya.


"Papasundo nga." Sabi ko habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. Tatawagan ko sana si Kuya para magpasundo, eh.


"Upo muna tayo doon, doon nalang din natin hintayin." He suggested while pointing at the empty seat.


Tumango nalang ako habang hinihintay sagutin ni Kuya ang tawag sa phone.


Nakakailang ring na ako pero hindi niya pa rin sinasagot. Hay, last tawag na then uuwi nalang ako mag isa.


[Thally? Ano nangyari? Bakit?] Sunod sunod na sagot niya. 


"Tapos na klase mo, kuya?" Tanong ko. Tumingon ako kay Miko na nakatingin din sa akin. Umiwas siya ng tingin nang magtama ang mata namin.


Hinawi niya ng dalawang beses ang buhok niya gamit ang kamay habang nakalingon sa ibang direksyon.


[May klase pa, nag cr nga lang ako kunwari, eh. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo, jusko kang bata ka.] He said, acting like a mother. 

Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon