"Amoy New York, ah!" Sigaw ni Aniella kay Cheska. Sinundo ako ni Cheska kaninang umaga sa bahay. Halos makalimutan ko nga na susunduin namin si Aniella ngayon.
"Oh, ba't lantay 'to?" Tanong ni Aniella, tinuro pa ako. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, it was a fake smile.
"Antok lang, pasalubong ko?" I changed the topic, dapat masaya kami ngayon, ayokong sirain 'yung mood.
"Kain muna tayo, gutom na ako." Stress na sabi ni Cheska habang nilalagay niya ang maleta ni Aniella sa kotse. Ang tanda ko isang malaking maleta lang ang dala niya noong papunta ba't ngayong pauwi, dalawa na?
Andito kami ngayon sa isang restaurant. Nakikinig lang ako sa kuwento nila, I can't stop thinking about Miko. Dumagdag pa iyong message ng Mommy niya kahapon.
Ayokong magalit, hinahabaan ko pasensya ko kasi alam kong sasabihin niya sa akin 'yon kapag naayos niya. I trust him pero hindi ko maiwasang 'wag mag overthink, nakakainis naman! This is so frustating.
"Thally! Nakatulala ka?" Tinapik ako ni Cheska.
Lumingon ako sa kaniya at sumagot. "Ha? Ano ulit 'yon?"
Tinry kong makinig at mag focus sa kanila pero hindi ko talaga kinakaya, "Girls, emergency. Kailangan ko na umalis." Dali dali akong umalis sa kanila. Hindi ko na sila hinintay na sumagot , gusto ko nalang makita si Miko.
Nag taxi ako papunta sa kanila. Medyo malayo pero okay lang, sana nandun siya. Kasi nasabi niya sa akin na sa kanila siya umuuwi, eh.
I check my phone every second, hoping that his message will pop up.
Nathaly: Miko
Nathaly: Nasaan ka? Pupuntahan kita
Kung hindi mo kayang ipaglaban relasyon natin sa Daddy mo, ako ang lalaban. Nag message na ako kay Miko. Fuck pride, hindi kami maayos niyan.
While waiting for his reply, naisip kong basahin mga messages niya in the past days.
Miko: Hi love
Miko: Umalis ako sa condo mo. Please balik ka na 'don, baka mapahamak ka.
Miko: Sorry kasi hinayaan kitang umalis. Kailangan mo magpahinga, kailangan mo huminga kaya please umuwi ka na. Kahit hindi sa akin, basta safe ka.
Miko: Sorry kung naisip mong kinakahiya kita but you're wrong. Gustong gusto kitang ipaglaban pero kahit anong laban ko hindi sila natatalo.
Miko: Mahal na mahal kita. Kahit basahin mo nalang 'to, please.
Tingnan mo nga naman. Ang plano ko ay babasahin lang, bakit ako umiiyak ngayon?
"Kuya, malayo pa po ba?" I asked the driver. Shit, bakit ba kasi ngayon pa nag traffic.
"Opo, Ma'am." He answered, looking at the mirror.
BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud
Teen FictionA transferee in their university and the president of their class. After their project together, Miko intended to help Skye on stepping out of her comfort zone. One day, they realized that they are already falling and just like from a movie, their r...