23🌦️

51 4 27
                                    

TW: SELF-HARM, FOUL WORDS


The week started by setting an arrangement. Seating arrangement. At kung sine-swerte nga naman ako, nakatabi ko si Gianna. Chandler and Cortez. Masiyadong napalayo naman si Cheska dahil nasa unahan siya.



"Nathaly, gusto mo ba sumama sa amin mamaya?" Nakikinig ako sa prof nang tapikin niya ang braso ko. 


Umiling ako, "I have things to do" Sabi ko, sana tumatanggap siya ng sagot na 'hindi'


"C'mon, second week of class? You have things to do? Eh, wala pa namang pinapagawa mga prof." Nakita ko pa ang pagirap niya. I'm trying so hard to lower my voice kasi ayaw kong maulit 'yung mahuli kami dati ng prof na nag uusap. 


"I have things to do... outside the university. Not school related" Oh god, ang hirap niyang kausap. Pinilit niya pa ako at hindi lang ako nang hindi, why can't she just accept my answer? 


"Sasama si Miko" Sabi niya and I already know that she's lying. Miko? Sasama sa kaniya? Lol, try harder. He talked about Gia the last time we met, nag kwento siya at nakinig ako so I have these thoughts na maybe she's lying or something.


"Hindi siya sasama" Sabi ko. Walang nasasabi si Miko kung totoo man 'yung sinasabi niya but I rather talk to Miko about this. Mas may tiwala ako sa kaniya. 


I can still hold my patience when I'm with Gia. Kailangan, eh, kahit hindi ko ginustong makasama siya. 



"Boss Miko! Long time no see!" Pag we-welcome ni Peter sa amin sa venue ng birthday niya. 


"Kahit kasama kita 'nung isang araw?" Binitawan sandali ni Miko ang kamay ko at nakipag apir kay Peter. Late siya nag celebrate ng birthday niya, hindi ko rin alam ang reason. 


"Happy Birthday" I greeted him with a short hug. I'm with my friends, invited sila dahil kilala naman daw ni Peter. He rent the whole bar? I think. 


"Salamat. Huy Kiko! Salamat sa pag punta buti nagpakita ka na sa akin di ka sumipot 'nung sinabi kong one versus one tayo sa ml" Sabi niya pa at mahinang pinalo si Kiko. 


May table siya na pinareserve para sa mga kaibigan niya at kasama kami. Nandoon din sila Ashley. 


We started drinking the first bottle of Vodka. Vodka ang iniinom namin nila Aniella, hindi ko bet uminom ng Tequila ngayon, nasakit ulo ko. Charot, sila Aniella ang pumili ng Vodka kaya ayun nalang din ang ininom ko. 


"Kamusta klase niyo?" Aniella asked. Parang may iba't ibang mundo tuloy kami sa isang malaking lamesa. Ang ingay tapos iba iba ang topic, jusko!


"Okay naman sa akin" Sabi ko. 


"Okay o pinipilit mong maging okay dahil may asungot na feeling close sa'yo?" Pambabara ni Kiko sa akin at sinalinan ang baso ko. 

Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon