2⛅

126 6 3
                                    

TW: MENTION OF DEATH



Wala na naman akong reklamo simula nung nagsimula na ang klase, pinagpakilala ako ni Mrs. Grace kaya nagpakilala ako "Nathaly Skye Chandler, you can call me Nathaly. Thank you" Mabuti nalang at nakangiti pa ako kahit sasabog na ako sa kaloob looban ko. Omygod I did it, I know Mommy is super proud of me.


As the day go by, hindi nga ako nakawala sa mga chika ni Cheska at sa tingin ng mga tao habang naglalakad kami sa buong University. Pero hindi ko nalang ito binigyan ng pansin, hinayaan ko nalang na nakatingin sila sa'kin.


Hindi naman nila ako kilala so what's the point if they're judging me?


"Tapos alam mo ba Thally, maraming scary stories dito sa University, and one of them is my favorite. I want to tell you the story but malapit tayo dun sa room na nakakatakot ayun oh 'yung 2nd floor ng Architecture building na 'yon kaya mas scary, mamaya ko nalang i-chika. Let's go there papunta na tayo sa football field kung saan maraming pogi, joke" She said, joking.


Tahimik kaming naglakad papunta sa football field habang dala dala ang snack na dinala nya kasi gutom daw sya.


"Thally tara let's go there samay bench, pahinga muna tayo mahangin kasi doon kaya magandang magtambay muna tayo tsaka maganda kumain kasi maganda ang view" Pag-aakit ni Cheska.


"Tara" Sagot ko kasi baka maumay sya sa akin kapag hindi ako nagsasalita.


Hinawakan naman nya ang kamay ko at dinala ako doon sa upuan na tinutukoy nya.


Tumingin lang ako sa mga tao na nasa paligid namin. May mga magkasamang mag jowa, may magkakaibigan na kumakain, naglalaro at may mga taong naglalakad lang.


Tahimik lamang din si Cheska habang binubuksan ang pagkain na dinala nya pagkatapos ay nanood sa mga naglalaro sa field. Nakaramdam ako ng pagka-awkward sa aming dalawa kaya kahit labag sa akin ay nagsalita pa rin ako.


Bakit ako 'yung nakakaramdaman ng ganito, eh, sanay naman ako na tahimik?


"Gusto mo ituloy 'yung kwento mo? Hindi naman ako sobrang matatakutin" I let out an awkward laugh pero hindi naman nya pinansin at tumango sya para magkwento.


Uminom sya ng tubig bago nagsalita, "Okay so sa cr talaga sya mismong nangyare. May mga students daw na natulog sa school I don't know why kung ano exact reason kung bakit sila natulog sa building nila tapos...wait hinga ka muna" With action pa sya kung pa'no natutulog daw 'yung mga students.


Tumawa siya kaya napatawa rin ako bago huminga ng malalim gaya ng sinabi nya. "Okay done. I know I'm pabitin pero mas okay 'yun kapag ako nag k-kwento" Sa sobrang lakas ng tawa nya ay napapatingin na sa amin ang ibang dumadaan sa aming harapan.


Napapatingin nalang ako sa likod para magkunwaring hindi ko sila nakikitang tumitingin sa amin.


"Cheska hinaan mo boses mo maraming tao, nakakahiya" Pasimpleng kinuhit ko sya sa balikat at bumulong pero tumawa lang sya "Ano ka ba Thally, ikaw na mismo nagsabi na maraming tao at may kanya-kaniyang pinag uusapan dito so 'wag ka mahiya. Ako bahala"

Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon