20🌥️

67 6 16
                                    

Note: This is Miko's Point of view so expect that this chapter will take longer than the previous chapters, sorry in advance and thank you. 



"Oo, naka alis na" I just came back from the comfort room. Sinamahan ko si Peter na sumuka, kailangan talagang alagaan kapag nalalasing at ako pa ang nautusan niyang sumama sa kaniya. Hindi ko tuloy naabuan sila Nathaly. 


Tumango nalang ako. Sayang lang kasi hindi ko siya napakilala kay Mommy kanina.


"Si Aldrin pala nakauwi na rin." Sabi niya at tumango nalang ako. Aldrin is just Aldrin, maagap umuwi sa mga ganito.


"Zane!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Si Gia, one of the girls my dad introduced to me.


"Hi" Tumabi siya sa amin ni Tony.


"Happy Birthday!" Sabi niya, "Hindi mo ako pinansin kanina, ha! I called you earlier but you're with a girl. Who is she?" Tanong niya. Hindi ko siya nakita kanina, hindi ko nga inexpect na pupunta siya dito, eh.


"Thank you" I said. I didn't mind the other words she said. Hindi naman niya kailangan malaman kung sino ang mga nakakasama ko.


"Oh, and by the way, pinapunta ako dito ni Tito kaya... I'm here!" Masiglang tawa niya at niyapos ako ulit bago bumulong.


"You smell so good" I didn't hug her back. Sobrang revealing ng suot niya, backless dress kaya hindi ko na niyakap pabalik.


Pinanood ko lang siyang uminom, no expression. Namumula na ang pisnge niya, kanina pa nga 'ata nandito.


"Tony, tara na" Hinigit ko na si Tony pabalik sa baba para puntahan si Peter sa banyo, iniwan ko doon, eh.


"Hey! Happy Birthday ulit" Kumakaway pa si Gia habang pinapanood kaming umalis.


"Salamat"



"Dito niyo na patulugin" Sabi ko. Nakasandal sa pinto ng kwarto ko at pinapanood silang ihiga si Peter dahil bagsak na, "I'll sleep on the couch"


"Sleep over nalang kaya?" Suggest naman ni Jeffery na nakaupo sa sofa.


"May mga damit ba kayo?" Lumapit ako at umupo sa lamesa. Parang sumandal lang naman ako doon at pinagkrus ang braso.


"Wala, pero ikaw? Meron" Sabi ni Andy at humiga sa katabi ni Peter.


Hindi ako sumagot at dumiretso sa cabinet para kunin ang susi ng kotse.


"Labas" Sabi ko sa kanila.


"Antok na 'ko" Reklamo ni James na nakayakap pa kay Peter na tulog.


"Sa condo na kayo matulog" I suggested. Mas okay na doon sila magkalat at hindi dito.


Heaven's CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon