Chapter 23 - Lecheng puso

369 5 3
                                        

Chapter 23

*Lecheng puso*

*RINA >POV<*

"Ano ba Lance!? Saan ba tayo pupunta?" Ang ganda ganda ng usapan namin ni Gino my labs kanina eh... kung di lang dumating tong si Lance at hinila ako palabas ng school..

"LANCE!!!!"

"Sasamahan mo ako magpagupit at magpakulay ng buhok"

"Akala ko ba ayaw mo?"

"May magagawa ba ako? pag di ko to ginawa baka di ako makakuha ng test!!"

"Naiintindihan ko naman...ang di ko lang maintindihan bakit ngayon ka pa nagdesisyong magpagupit eh di pa tapos yung klase!!! pwede naman after class diba?"

"Eh sa gusto ko ngayon eh!"

"Ay ewan ko sayo Lance!! Di ko alam kung ano tumatakbo sa utak mo ngayon!!! Pwede ka naman magpasama kay Gino eh!! bakit sakin pa!!"

"Eh sa gusto ko ikaw eh!! at saka girlfriend kita!!"

Naku kung di lang ako matino magisip ngayon, mapaghihinalaan ko na tong nagtitake advantage!!!.. naku kung di ko lang sya kailangan grrr..masasapak ko na talaga tong taong to GRRR!!!

Patuloy lang sya sa paghatak sakin...

"Magpapagupit ka ba talaga?"

"Oo nga ang kulit mo!!"

"Ako pa makulit ngayon? eh kanina pa ako nakakakita ng mga salon!!! madami na tayong nadaanan at nalampasan!! ewan ko sayo Lance!!!!"

"Eh sa ayoko sa mga yun eh!!"

"Aissshh!! bahala ka nga!!"

Patuloy lang kami sa paglalakad..

Medyo sumasakit na din ang paa ko.. kanina pa kasi kami naglalakad..

Siguro sa dulo pa ng pilipinas ito magpapagupit =__=+++

Bigla bigla na lang syang huminto..

"Dito ako magpapagupit!"

Huminto kami sa tapat ng malaking salon... Mukhang mahal dito ah? sure ba syang dito sya magpapagupit?

Muli nya akong hinila at tuluyan na kaming pumasok sa loob..

Wow ang laki lang ng loob ah? halatang puro susyaling tao ang mga pumupunta dito..

"Hi Sen-----" Bigla na lang tinakpan ni Lance ang bibig nung matandang beki na lumapit at bumati sa kanya.

"Wag ka na magsalita at gupitan na lang ako! Kulayan mo ng black itong blonde kong buhok.. ok?"

Agad nyang hinila yung beki palayo sakin..

Pero bago pa sila tuluyang makalayo, huminto at lumingon sakin si Lance..

"Umupo ka lang dyan at hintayin ako... kumuha ka na lang ng babasahin dyan sa may lamesa pagnabubored ka na, magbasa ka lang... saglit lang to... Bebs" :) Tapos tuluyan na syang lumayo..

Bebs daw?

Teka ANONG BEBS pinagsasabi nun? Aba naku namang Patrick star ka!!!! Ang baduy!!! ang panget!!! Waaaaaaaaaahh!!!!

Umupo na lang ako sa upuan at kumuha ng isang magazine sa ibabaw ng lamesa..

Nilipat lipat ko ang page... Di ako makapagconsintrate sa pagbabasa.. pano ba naman nagrerepeat ng kusa sa isip ko yung sinabing BEBS ni Lance na yun!!! grrr...

Bebs nya mukha nya!!! yari talaga sya sakin pagbalik nya dito naku balibag kotong ka sakin Lance ka!!!!

"Miss?"

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon