Chapter 20 - Ok fine.... Friends..

323 6 2
                                        

Chapter 21

*Ok fine.... Friends.. *

*LANCE >POV<*

"Dahil si Gino.... May nililigawan sya at alam kong mahal na mahal nya yun kaya wag ka na umasa!!"

"Nakakainis ka talaga Lance!!! Bakit mo ba sinasabi yan? huh?" Hinampas nya ako ng napakalakas

"A-aray!! Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil maaga pa lang ay nalaman mo na!" Bigla bigla na lang syang tumakbo palayo sakin..

Hahabulin ko na sana sya pero..

nakita ko si Alex.. teka bakit nandito yung hayop na yun!?

Di sya nakita ni Rina dahil nakayuko ito habang tumatakbo.. Mas maganda na din yun.

Nilapitan ko si Alex.. at hinigit ko yung kwelyo nya..

"Anong ginagawa mo dito ah!? Ang lakas ng loob mong magpakita hayop ka!!" Di sya makatingin sakin.. Naiinis ako gusto ko syang sapakin ngayon!! pero pinipigilan ko ang sarili ko..

"Pwede bang tigilan mo na ang girlfriend ko!?" Inalis ko ang pagkahawak sa kwelyo nya at tinulak sya..

"UMALIS KA NA!! BAGO KO PA BASAGIN YANG PANGET MONG MUKHA!!" Binangga ko sya at hinabol si Rina.

Ang lakas ng loob talaga ng taong yun na magpakita pagkatapos nung ginawa nya.. pasalamat sya nasa school kami kundi siguro nabugbog ko na sya grrr..

At isa pa tong babaeng to! napakabilis tumakbo! ang hirap nyang habulin pssshh!!

Agad ko syang hinawakan at hinila nung naabutan ko sya..

Napatingin ako sa pinto...

At nandun yung hayop na Alex na yun!! Gusto nya talagang masapak ah!? grrr nakakainis na!!

"Pwede bang tumahimik saglit!?" Kailangan ko na gumawa ng move ngayon.. Bahala na!

Sumunod naman sakin ang mga classmates namin..

Inakbayan ko si Rina..

"Gusto ko lang malaman nyo na... si Rina..."

Naantala ang pagsasalita ko nung nagsalita sya..

"Lance please.. wag..." Teka ano pinagsasabi nito? anong wag daw??

Nilapit ko ang hintuturong daliri ko sa labi nya para mapigilan yung mga sasabihin nyang di ko maintindihan..

"Sssshh.."

"Ok lang yan... dapat malaman na nila" :D Sinakyan ko na lang yung sinabi nya para walang makahalata.

"Si Rina.......

ay....

GIRLFRIEND KO NA!!"

Halatang halata sa mukha ni Rina na nashock sya.. Ang laki ng mata eh..

Buti na lang handa ako.. bago ko pa man sabihin ang mga katagang yun ay hinawakan ko na kaagad ang magkabilaang kamay nya.. Hirap na baka masapak nanaman ako ng babaeng to'

"HINDI YUN---" Magrereact sana sya pero..

"AYIIIIEEE!!! :D.. WOOOH PARTY PARTY!!! HAHAHA!!" Naghiyawan yung mga classmates namin..

"PERO MALI KAYO NG-----" Di nya natuloy ang sinasabi nya dahil nilapitan sya ng dalawa nyang kaibigan.

"Pare.. kayo na pala?.." May halong saya at pagtataka ang mukha ni Gino.. "pero congrats" :) tinapik nya ang balikat ko.. Nandito na pala sya? di ko man lang namalayan.

I think im falling..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon