(A/N: Alam kong super dooper mega late na pero sa ngayon ko lang naalala haha At paulit ulit ko ding binabasa yung one shot story nya.. maraming thank you pala kay Bok :DD Sa pag sama nya sakin as Character sa one shot story nya..Kahit minurder ko ang character nya dito ginandahan nya parin yung akin LOL infairnes galing ko maghenglesh dun XD.. Read nyo din yung stories nya okie? :))
Chapter 33
*Bulate*
*Ace Lorenzo >POV<*
5:00am Sunday Morning..
Nakaugalian ko nang magjogging pag ganitong araw.. Hmmm ang sarap lang ng pakiramdam ko.. Sa mga oras na ito Free akong nagjajogging at malayo sa mga mata ng mga taga hanga ko.. Yes sikat ako sa school namin.. Campus Hearthrob nga daw ako pero wala naman akong pakealam sa ganun basta sakin isa akong ordinaryong studyante lamang..
Ewan ko pero bakit sa danamirami ng pwedeng puntahan..
Bakit dito pa ako dinala ng mga paa ko?.. Dito sa lumang play ground..
Pinaglumaan na ito ng panahon.. Naglakad lakad ako sa play ground.. Naalala ko yung kabataan namin nila Rina dito kami madalas naglalaro kaaway pa namin nun si Jay-r hehe Dakilang bully kasi yung taong yun buti na lang at nagbago yun kahit papano..
Lumapit ako sa swing.. Hinawakan ko yung bakal.. Kinakalawang na sya.. Kawawa naman tong play ground halatang napabayaan na..
Napatingin ako sa puno ng Sampaloc.. yung duyan nandun parin :)
Lumapit ako sa kinaroroonan ng duyan nang may mapansin akong taong nakasakay dito at abalang abala sya sa pagbabasa..
"Hi? Madalas ka ba dito?" Pumunta ako sa gilid ng duyan at umupo sa damuhan.. Sinisilip ko ang mukha nung babae pero di ko makita dahil nakatakip ang mukha nya.. Siguro malabo ang mga mata nito dahil sobrang lapit nung book sa mukha nya..
Inaantay ko syang sumagot pero hindi sya nagsalita.. Di nya yata ako napansin o hindi nya naintindihan ang mga sinabi ko dahil sa pagkapaos ko?
Humiga na lang ako sa damuhan at pumikit.. Medyo sumasakit pa ng konti ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi.. Buti nga at nagawa ko pang magjogging..
"Masyadong maingay sa bahay kaya madalas ako dito" Napabangon naman ako sa pagkakahiga dahil sa wakas nagsalita yung babae sa duyan..
Muli ko syang sinilip at yung mata nya lang ang nakita ko.. Kahit yun lang ang nakita ko ewan ko pero nagandahan ako sa kanya.. Ano pa kaya kung buong mukha nya na ang nakita ko? May pagkamisteryosa sya yun ang pansin ko..
Napangiti na lang ako "Sa wakas nagsalita ka din hehe may nakapagsabi na ba sayo na napakaganda ng mga mata mo?" Inangat nya muli yung libro at di ko na nakita ang mga mata nya.. At di na sya ulit nagsalita.. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya mukhang naiilang sya.. Or naiistorbo ko na sya?
BINABASA MO ANG
I think im falling..
MizahPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
