(A/N: Sorry kung ngayon ko lang na post to haha purita nakikisagap lang kasi ng wifi eh tamang tama nawalan ng wifi yung pinsan ko ayun napilitan tuloy yung kapatid ko na magload nakigamit lang ako(Kahit di nagpaalam XD) haha.. Sana magustuhan nyo yung update waaaaaaahh.. Exit :))
Chapter 37
*Special Day*
*Erika >POV<*
Hay... Ang sarap talagang magbasa sa lugar na ito.. Tahimik.. walang nangiistorbo...
Istorbo?..
Tumingala ako.. Ang taas na ng araw buti na lang nadala ko ang shades ko..
"Hmm di na din naman yun pupunta dito eh.. Ano ba tong pinagiisip ko?" Tinaas ko na lang ang isang kamay ko habang nakatingala parin..
Medyo naoutbalance ako sa posisyon ko at feeling ko malalaglag ako...
"Muntikan ka na dun ah?" Napatingin naman ako sa taong humawak sa likod ko.. Kitang kita ko ang mukha nya..
"May inaantay ka?.. Narinig ko kasi yung---"
"Wala akong hinihintay!" Agad akong umayos ng upo sa duyan at itinaas yung librong nakalapag sa binti ko..
Naglakad sya at umupo sa damuhan na di kalayuan sa akin..
Nasaan na ba ako sa binabasa ko? Ano ba to? bakit ba kinakabahan ako? Nihindi pa ako makapagfocus sa binabasa ko.. >_<
"Ahmm Miss?"
"Bakit!?"
"Hmm kaya mong magbasa ng libro ng nakashades?" Doon ko lang nalaman na nakashades pa pala ako.. ano ba yan!? Nagpanic kasi ako bigla nang makita sya kaya di ko na napansin >__<
"Na-nakalimutan ko lang tanggalin" Tinanggal ko na ang shades ko at nagpatuloy na din sa pagbabasa..
Ilang minuto din na natahimik..
Kahit umaayon sakin ang katahimikan di parin ako makapagfocus sa binabasa ko :/Halos inuulit ulit ko na nga yung mga pages na nabasa ko pero di parin magsink in sa utak ko.. Nadidistruct ako sa kanya sa di ko malamang dahilan..
"Maganda yang binabasa mo.. Sobrang tragic nga lang ng Ending kasi namatay yung babae.."
Sinarado ko kaagad ang librong binabasa ko at napasigaw bigla.. "Urggh! WAG KA NGANG SPOILER!" Ayoko sa lahat ng iniispoil ako! Nawalan na tuloy ako ng gana sa pagbabasa alam ko na ang Ending eh.. nakakainis!
"A-ay Sorry!.."
Tumayo ako at nagumpisa nang maglakad..
"Erika! Wait!" Napahinto ako.. Natandaan nya ang pangalan ko? At alam nya na?
"May ibibigay lang sana ako sayo kaya pumunta ako dito" Wala na akong nagawa kundi ang lumingon sa kanya..
Kinuha nya ang isang kamay ko at may inilapag na salamin..
"Napansin kong medyo malabo ang mga mata mo kaya naisipan kong bilhan ka ng reading glasses.. Sayang naman kasi ang ganda mo kung tatakpan mo lang lagi ng libro.. Wag ka na magalit sakin ah? please? Pupunta at pupunta parin ako dito dahil gusto ko ang lugar na ito.. Wag sana ako ang maging dahilan kung bakit di ka na pupunta dito.. isipin mo na lang hangin lang ako"
"Edi pumunta ka kung gusto mo! wala akong pakealam at saka di naman ako ang may-ari nito para pagbawalan ka!.. Isa pa nga pala.. di mo ako kailangan pang ibili ng salamin dahil meron na din naman ako nyan!" Kahit wala naman talaga.. Nakakahiya kasing tumanggap ng bagay sa taong di mo pa masyadong kilala..
BINABASA MO ANG
I think im falling..
ЮморPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
