Sorry sa super dooper late update.. Naging sobrang busy lang sa work.. Sana ako'y inyong mapatawad ;/
-KalokaJean
---
Chapter 42
*Be there*
"Sorry pero ginawa na namin ang lahat... Di na talaga kinaya ng katawan nya.. Sorry" - Doctor
Pansamantala akong nabingi sa mga binitawang salita ng doctor..
Nakaramdam ako ng pagkamanhid at kirot sa puso ko..hindi pwede.. Sabihin nyong hindi to totoo..
Isang bangungot..
Tulungan nyo akong magising please?... ;(
Nanghihina ako.. Parang nung isang araw lang masaya kami.. Masiglang masigla sya.. Wala kang makikitang bakas ng karamdaman sa kanya.
Naaalala ko pa ang mga ngiti at ang mga halakhak nya..
Di ko matanggap..
Di ko matanggap na ang babaeng nasa alaala ko eh ang taong nasa harapan ko at nakabalot ng puting kumot ;(
Unti-Unting nagbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang bumagsak..
Agad akong tumakbo at niyakap ang katawan nyang nakabalot ng kumot..
"Ella naman eh.. W-wag ka namang magbiro ng ganyan... Gumising ka na d-dyan.. please wag mo kong iwan.."
"A-alam mo namang di ko kakayanin kapag nawala ka diba? Nangako ka remember? Sabi mo di mo ako iiwan!?.. Di mo ako hahayaang magisa.. Na ikaw ang Ate ko at ang number 1 fan ko.. Kaya please Ella tumayo ka na dyan! sige na" ;(
"Rina?"
Sa kalagitnaan ng paghahagulgol ko ng iyak ay may isang pamilyar na boses akong narinig.
"RINA!"
Nanggagaling ang boses sa may pintuan ng kwarto..
"Rina anong ginagawa mo dyan!?"
Nilingon ko yung kanina pa na tawag ng tawag sa akin..
Medyo blured ang nakikita ko dahil sa mga luhang nakapaligid sa mga mata ko..
"Oh bakit ka umiiyak?"
Ang liwanag nya.. At nakapangHospital gown sya..
"Ui! teh!?"
"Ella? minumulto mo ba ako?" Ngayon kitang kita ko na sya dahil pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.
"Huh? Ako multo? Eh buhay na buhay kaya ako.. Sino ba yang namatay? Kakilala mo ba?"
Napabalik ulit ang tingin ko sa taong nakabalot ng kumot..
Tinanggal ko ang kumot at...
O_________O Shocks!
*****************************************************************************************
*ELLA >POV<*
"Ano ba talaga ang sakit mo!?" Seryosong tanong ni Rina
"LBM nga" ;D
"LBM daw!? Sus di ako naniniwala.. ilang linggo ka na kayang nandito tapus LBM laaaaang!??"
Hindi ko na napigilan yung tawa ko sa kanya XD
"Hahaha.. So ganun pala kalala ang iyak mo kung sakaling mawala ako?" Pangaasar ko sa kanya ;D
"Tseeeeey manahimik kaaaaa!!! Sige ipaalala mo pa ang nakakahiyang nangyari sken kaninaaaaa.. kainis sayang yung tears koooo!!!" >3<
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?
