Chapter 31
*About a girl*
*Ace Lorenzo >POV<*
"Oh Rina--" Napahinto ako sa pagsasalita dahil agad agad nyang sinandal ang ulo nya sa dibdib ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto..
"A-anong nangyari?" Hinimas-himas ko ang likod nya.. Mukhang malaki ang problema nitong kabigan ko.. ngayon ko na lang kasi ulit nakitang ganito to..
Inalalayan ko sya papasok ng bahay at dumeretsyo kami sa music room ko..
"Sabihin mo ano bang nangyari?" Nakaupo kami ngayon sa Sofa..
"Ka-kasi.." Tumungo sya.
"Sabihin mo sakin Rina" Hinawakan ko ang chin nya para makita ko yung mukha nya..
"Di ko alam gagawin ko Ace" Kitang kita ko ang mata nya.. namumula.. parang kagagaling sa iyak..
"Bakit ano ba yun?"
"May gusto kasi ako.. kaso.. May iba na sya.." Di ko alam kung matutuwa ako or hindi.. matutuwa dahil ito ang first time na nagsabi sya sakin ng Lovelife nya At hindi dahil Gusto ko sya..
Simula nung araw na nakita ko sya.. Dun nagsimula ang lahat.. Sabi ko sa sarili ko.. Ito ang taong Di ko kailan man kayang saktan.. Nung mga panahon na yun.. Magisa sya.. At ako lang ang Bukod tangin kumausap sa kanya.. Isa pa syang Taong Alone nun.. Walang kaibigan halos lahat na yata ng problema pasan nya sa mga oras na yun at kinikimkim nya lang ang lahat ng yun..
Natutuwa ako dahil ngayon nabago namin sya.. :)
"Nakakatuwa naman dahil Dalaga ka na" :D Pinisil ko ang pisngi nya at ngumiti sa kanya..
"Nye? Ayoko na nga! Inaasar mo lang ako!" Patayo na sana sya pero bigla ko syang hinawakan sa kamay at hinila paupo..
"Haha! Ang bilis mo naman mapikon haha"
Nagpout lang sya sakin at inirapan ako haha..
"Ok sige seryoso na.. Hmm.. Sigurado ka ba talagang gusto mo sya?"
"Hmm oo? May sumakit kasi banda dito" Tinuro nya kung saan nakalocate ang heart nya "Sabihin mo Ace.. May gamot ba dito? Ayoko kasi nung pakiramdam eh"
Para akong kumakausap sa isang musmos na wala pang kaalam alam sa mga bagay sa mundo hehe Sabagay First time nya :)
"Nangingiti ka nanaman! Aalis na nga ako!"
"Haha wag ka ngang Masyadong High Blood dyan! Wag kang magalala di ko to sasabihin sa Kumagz lalo na kay Matty boy hehe.." Huminga ako ng malalim "Di yan ordinaryong sakit na inuman mo lang ng gamot maya maya wala na.. Yan ang tinatawag na Love.. Once na pasukin mo yan Dapat handa ka din makaramdam ng pain" Kaya napaghandaan ko na na posibleng mangyari ang araw na ito..
![](https://img.wattpad.com/cover/1896382-288-k578509.jpg)
BINABASA MO ANG
I think im falling..
HumorPaano mo masasabing gusto mo siya kung may mahal siyang iba? Paano mo malalamang may nagmamahal sayo kung inaaksaya mo yung oras mo sa iba?